Willie Revillame, inalala ang mga yumaong stand-up comedians na sina Le Chazz at Kim Idol

by Jojo Gabinete
May 3, 2021
Willie Revillame (center) on late Wowowin co-hosts Le Chazz (left) and Kim Idol (right): "Nami-miss ko itong dalawang ito. Napamahal sa akin ang dalawang ‘to. Kapag nag-a-out of town ako, kasama ko sila. Isang tawag lang nandiyan sila kasi gusto ko sumasaya sila. Naging parte ho sila ng programang Wowowin."
PHOTO/S: Screen grab from Wowowin

Isang malungkot na Willie Revillame ang napanood sa live broadcast ng Wowowin ngayong Lunes ng hapon, May 3.

Nagsalita siya tungkol sa pagpanaw ni Le Chazz, ang stand-up comedian na naging co-host niya sa kanyang popular game show noong 2018 hanggang 2019.

Hindi lamang ang mga alaala ni Le Chazz ang sinariwa ni Willie dahil nagkuwento rin siya tungkol kay Kim Idol, ang stand-up comedian na naging bahagi rin ng Wowowin at pumanaw noong July 13, 2020.

“Alam ko naman na napangiti at napasaya kayo ng mga taong ito.

"Nakakalungkot, e. Nami-miss ko itong mga ‘to.

"Naging parte ho sila ng programang ito at ng entabladong ito. Noong marami pang tao na nanonood, wala pang COVID, nandito sila.

"Kapag kumakain ako, kasama ko sila, sobrang saya, katatawanan," pagbabalik-tanaw ni Willie sa maliligayang araw kasama niya sina Le Chazz at Kim.

Willie Revillame with Le Chazz and Kim Idol

Continue reading below ↓

Willie with Le Chazz and Kim Idol

Sabi pa ng TV host, “Ako talaga, nalungkot ako nang malaman ko. 'Yan po si Le Chazz, isang napakagaling na stand-up comedian.

"Nasa ABS-CBN pa lang ako, TV5, at hanggang dito [sa GMA-7], nakasama ko ho ‘yan, on and off the camera.

"Iniimbita ko siya, gusto ko masaya, kasi magaling itong batang ito, mabait, walang negative.

"Si Kim Idol, nakasama din namin.

"Si Kim Idol din po, namaalam na. Pero during the time na siya po’y namaalam, ang ganda ng ginagawa niya, isa siyang frontliner. Tumutulong ho siya sa mga maysakit."

Banggit ni Willie, "Sa Friday, I’ll give tribute sa kanilang dalawa dahil ho nakapagpasaya sila sa atin."

A LETTER FROM LE CHAZZ

Ikinuwento ni Willie na nag-iwan sa kanya ng nakakaantig ng pusong sulat si Le Chazz bago ito binawian ng buhay noong Sabado, May 1, 2021.

Nabasa na ni Willie ang sulat ni Le Chazz na ipinadala sa kanya ng half-sister ng namayapang stand-up comedian.

Continue reading below ↓

Lahad ni Willie, "Sumulat sa akin si Le Chazz, meron ho siya sa aking sulat.

"Ipapakita ko sa Friday, personal niyang sulat. 'Para sa 'yo, Kuya Wil.'

"Napakaganda, ipinadala po sa akin ng kapatid niya. Hindi ko nga alam kung bakit parang alam niya na may mangyayari sa kanya.

"Sinulatan niya yung best friend niya [AJ Tamiza], tapos sinulatan niya ako. Talagang sulat-kamay niya. Nakakaantig ng puso."

WILLIE'S PROMISE

Paulit-ulit na nagpasalamat si Willie kina Le Chazz at Kim Idol, kasama ang pangakong tutulungan niya ang mga pamilyang naulila ng dalawa.

Saad ni Willie, "Nami-miss ko itong dalawang ito. Napamahal sa akin ang dalawang ‘to.

"Kapag nag-a-out of town ako, kasama ko sila. Isang tawag lang nandiyan sila kasi gusto ko sumasaya sila.

"Naging parte ho sila ng programang Wowowin. Siyempre, gusto ko rin makausap yung kanilang mga mahal sa buhay.

"Sa harap ng entablado, sa harap ng kamera, nakangiti sila nagpapasaya. Pero yung likuran ng entablado, puro kalungkutan ang kuwento ng mga buhay ng mga ‘yan.

Continue reading below ↓

"Mahirap, pero ang iniisip nila puro sa kanilang pamilya."

Le Chazz and Kim Idol in Wowowin

Pagpapasalamat pa niya, "Salamat sa inyo at marami kayong napasaya sa ating mga kababayan.

"Salamat, Kim, thank you. Nami-miss ka namin.

"Of course, si Le Chazz, huli naming kita noong February 13. Masaya siya, wala akong nakitang symptoms na meron siyang sakit kasi ayaw niyang ipakita na malungkot siya.

Continue reading below ↓

"Palakpakan po natin si Kim Idol at si Le Chazz. Salamat sa pagbibigay ninyo ng saya sa amin.

"Salamat sa inyo, alam ko na kailangan niyo pa rin ng tulong.

"At tutulungan natin yung mga pamilyang naiwan niyo dahil naging parte kayo ng programang Wowowin at, hanggang ngayon, maaaring wala na kayo, pero nandito pa rin ang espiritu ninyo.

"Kim, Le Chazz, mahal namin kayo. We will miss you and maraming salamat."

RECOMMENDED ARTICLES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (center) on late Wowowin co-hosts Le Chazz (left) and Kim Idol (right): "Nami-miss ko itong dalawang ito. Napamahal sa akin ang dalawang ‘to. Kapag nag-a-out of town ako, kasama ko sila. Isang tawag lang nandiyan sila kasi gusto ko sumasaya sila. Naging parte ho sila ng programang Wowowin."
PHOTO/S: Screen grab from Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results