President Duterte, nabakunahan na ng Sinopharm COVID vaccine

by Jojo Gabinete
3 days ago
Naturukan na ng Sinopharm COVID vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, May 3. Mismong si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok sa kanya ng COVID vaccine na mula sa China. Hindi naman nawala sa tabi ng Pangulo ang kanyang dating executive assistant na si Senator Bong Go.
PHOTO/S: Philippine News Agency Facebook

Nasa tabi ni President Rodrigo Duterte ang dati niyang executive assistant at personal assistant na si Senator Bong Go nang turukan ng Sinopharm COVID-19 vaccine ang Pangulo.

Naganap ang pagpapabakuna ni Duterte ngayong Lunes, May 3, at mismong si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok sa kanya ng gamot kontra COVID-19.

Sinabi ni Go na may permiso ng doktor ng Pangulo ang pagpapaturok nito ng Sinopharm vaccine, kahit hindi pa ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) for emergency use.

Inaasahang magkukuwento si Duterte tungkol sa pagpapabakuna niya sa kanyang regular public address na mangyayari ilang oras mula ngayon.

Ang Beijing Institute of Biological Products ang developer ng Sinopharm vaccine.

Sa ulat ng The New York Times noong April 26, 2021, ipinahayag ng chairman ng Sinopharm na halos isang milyong mamamayan ng China ang naturukan ng nabanggit na gamot.

Ang Sinopharm ang bakunang pinapaboran sa Middle East dahil ang naturang vaccine ang itinurok kay Dubai ruler Sheikh Mohammed bin Rashid al-Maktoum.

Continue reading below ↓

Aprubado rin sa Bahrain at Egypt ang paggamit ng Sinopharm na may efficacy o bisa na 79.34% laban sa coronavirus.

Ang gamot na itinurok kay Duterte ang isa sa pinakamahal na vaccine sa buong mundo dahil pumayag ang bansang Hungary na magbayad ng US$36 (1,729.44 sa Philippine currency) para sa bawat dose ng Sinopharm na binili nila mula sa China.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naturukan na ng Sinopharm COVID vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, May 3. Mismong si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok sa kanya ng COVID vaccine na mula sa China. Hindi naman nawala sa tabi ng Pangulo ang kanyang dating executive assistant na si Senator Bong Go.
PHOTO/S: Philippine News Agency Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results