Dating sexy star na si Marinella Moran, magtatayo ng sariling film company

by Jojo Gabinete
2 days ago
Marinella Moran: “During lockdown dito sa Singapore, pinanood ko yung dating mga pelikula ko at naisip ko na gusto kong makatulong sa mga kasamahan ko sa industriya na walang work." (Right photo) Marinella with her youngest son, Alexander.
PHOTO/S: Courtesy of Marinella Moran

Ang coronavirus pandemic ang deciding factor ng former sexy actress na si Marinella Moran para bumalik sa Pilipinas at mag-produce ng pelikula.

Nagsimula ang showbiz career ni Marinella noong 1999. Halos apatnapu (40) ang mga pelikulang ginawa niya bago siya nagpasyang talikuran ang showbiz noong 2003 para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Si Lito de Guzman ang discoverer ni Marinella. Mentor naman niya ang pumanaw na direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Ang critically acclaimed movie na Sa Paraiso ni Efren, na mula sa direksiyon ni Delos Reyes, ang hindi malilimutang movie project ni Marinella dahil nagkaroon siya ng nominasyon sa best new actress category ng isang award-giving body.

Dalawampu’t dalawang taon (22) nang naninirahan si Marinella sa Singapore, at isa na siyang successful businesswoman. Pero nami-miss pa rin niya ang entertainment industry kaya nagpasya siyang pasukin ang movie-making business.

“During lockdown dito sa Singapore, pinanood ko yung dating mga pelikula ko at naisip ko na gusto kong makatulong sa mga kasamahan ko sa industriya na walang work.

Continue reading below ↓

“Uuwi sana ako sa Pilipinas last month, pero hindi natuloy dahil sa lockdown. I’m just waiting for the border to open.

"Hopefully, makauwi ako sa Pilipinas ngayong May," sabi ni Marinella nang makausap siya ng Cabinet Files sa pamamagitan ng video call.

Si Lito ang tumutulong kay Marinella sa mga paghahanda para sa pelikulang gagawin ng sariling movie outfit ng dating sexy actress.

Ayon kay Lito, may working title na ang proyekto; at sina Claudine Barretto, Andi Eigenmann, at Xian Lim ang mga natitipuhan nila ni Marinella bilang mga bida.

Bukod sa planong pagpo-produce ng mga pelikula, tumutulong si Marinella sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng pagpapadala ng financial help via GCash at laptops para sa mga nangangailangang estudyante.

Sabi ni Marinella, “That’s what I’m doing during this pandemic kasi wala naman akong access, but I have charity works in Indonesia, Malaysia.

“Nagbukas din ako ng YouTube channel para maging inspiration to other people at makatulong sa kapwa Pilipino natin.”

Continue reading below ↓

May tatlong anak si Marinella—isang 17 years old na babae, 15 years old na lalake, at ang two-years old na si Alexander.

Promising child star si Alexander dahil sa mga alok para sa billboard ads at television commercials. Pero hindi pa tinatanggap ni Lito hangga’t nasa Singapore pa ang mag-ina na hinihintay niyang makabalik sa Pilipinas para mas mabilis ang mga negosasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marinella Moran: “During lockdown dito sa Singapore, pinanood ko yung dating mga pelikula ko at naisip ko na gusto kong makatulong sa mga kasamahan ko sa industriya na walang work." (Right photo) Marinella with her youngest son, Alexander.
PHOTO/S: Courtesy of Marinella Moran
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results