Pokwang, binalikan ang dinanas na kahirapan kasama ang mga magulang at 11 kapatid

by Jojo Gabinete
2 days ago
Pokwang: "Yung mga challenge na nangyari sa buhay ko noong mga bata pa kami, ito yung nagpapatatag sa akin sa kung ano ako ngayon."
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram

Hindi inililihim ni Pokwang na mula siya sa mahirap na pamilya, at malaking hamon sa kanyang mga magulang na itaguyod ang isang dosenang anak.

Pangsiyam si Pokwang sa labindalawang magkakapatid kaya ramdam na ramdam niya ang kahirapan ng kanilang pamumuhay noon.

“Ang nanay ko kapag nadighayan, nabubuntis,” pabirong bungad ni Pokwang sa exclusive conversation sa kanya ng Cabinet Files.

“Ay, Lord, masyadong makulay ang aming buhay, very challenging. Hindi ko nga alam kung mabubuhay kami noong araw dahil sa dami namin.

"Kasi, imagine, dose kaming anak, plus si Nanay at si Tatay—katorse kami sa bahay.

“E, maagang nawalan ng trabaho si Tatay kaya nagkanya-kanya kaming diskarte sa buhay. Nagtinda kami ng kung ano-ano, naglako sa palengke, nagtinda sa simbahan.

“Pagkagaling sa school, palitan kami. Yung pang-umaga, yun ang magtitinda sa hapon. Yung panghapon, yun ang magtitinda sa umaga.

"Kaya dito sa simbahan ng Antipolo, batang patio ako sa simbahan."

ALTERNATE SCHOOLING

Ang kahirapan pa rin ng pamumuhay nila noon ang dahilan kaya naranasan ni Pokwang at ng kanyang mga kapatid na huminto sa pag-aaral para mabigyan ng pagkakataong makapasok sa eskuwelahan ang mga nakababata sa kanila.

Continue reading below ↓

Sabi ni Pokwang, “Nag-survive kami kahit papaano, mga 1980 kami lumipat sa Antipolo, hanggang ngayon dito pa rin kami.

"Hindi ko alam kung paano kami makaka-survive talaga, mahirap kasi pagkakasyahin mo yung pagkain.

"Yung pag-aaral namin, alternate din. Hihinto muna yung iba, pagbibigyan muna yung mas nakababata.

"Nag-abot-abot nga kami nung Grade VI. Apat kami na sabay-sabay nag-graduate kasi kailangan namin magbigay ng daan sa mas nakababata.

"So, kailangan mong huminto muna. Tapos yung mga pinagliitan na damit, ipapasa mo sa mga kapatid mo na mas bata.

"Kumbaga, talagang ang higpit ng aming pamumuhay.

"Okay lang, yung mga challenge na nangyari sa buhay ko noong mga bata pa kami, ito yung nagpapatatag sa akin sa kung ano ako ngayon."

TRIP TO JAPAN

Naging mabuting anak si Pokwang. Pero may pagkakataong nagbigay siya ng malaking problema sa kanyang mga magulang dahil sa desisyon niyang pumunta sa Japan para magtrabaho at maiahon mula sa kahirapan ang pamilya nila.

Continue reading below ↓

Lahad ni Pokwang, "Nagsinungaling ako sa kanila nung pumunta ako sa Japan.

"Menor de edad ako noon, hindi nila alam na nagpa-practice na ako ng Japan-Japan.

"Mga sixteen years-old ako, finorward lang yung edad ko kasi kailangan ko nang umalis.

"Gusto kong makatulong sa pamilya dahil nakikita ko yung kahirapan. 'Ano ba itong buhay ko, parang wala nang pag-asa?'

"Nagsinungaling talaga ako sa kanila. Ang alam nila nag-aaral ako sa Rizal High School sa Caniogan, Pasig.

"Ang hindi nila alam, ang laman ng bag ko, e, pang-rehearsal ng Japan-Japan."

Patuloy niya, "Nung dumating yung visa ko, hindi ko alam kung papaano ko sasabihin dahil alam ko na hindi ako papayagan, napakabata ko pa.

"Iyak nang iyak ang nanay ko, sobrang halos atakihin na sa galit. Sabi niya, ‘Hindi ka puwedeng umalis kasi napakabata mo!’

"Wala naman silang ginawa dahil umalis talaga ako. Alam kong masama ang loob niya pero wala nang magagawa, gusto kong makatulong sa pamilya.

Continue reading below ↓

"Yun ang nakita ko na super na-stress sila sa ginawa ko. Sabi ko, 'Pasensiya na pero kailangan ko nang gawin ito. Gusto kong makatulong.'"

Napag-usapan ang mga isyu ni Pokwang bilang anak dahil sa Mommy Issues, ang pelikulang pinagbibidahan niya at Mother’s Day offering ng Regal Entertainment Inc.

Si Pokwang ang gumanap na nanay ni Sue Ramirez, at ang mga problema nila at hindi pagkakasundo bilang mag-ina ang kuwento ng Mommy Issues.

Magsisimula ang streaming ng Mommy Isues sa UPSTREAM.ph, ktx.ph, iWant, at TFC sa May 7, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang: "Yung mga challenge na nangyari sa buhay ko noong mga bata pa kami, ito yung nagpapatatag sa akin sa kung ano ako ngayon."
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results