Opinyonadong TV personality, kinuyog ng death threats matapos maisapubliko ang kanyang cellphone number

by Jojo Gabinete
May 6, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nakakatanggap ng death threats sa kanyang cell phone ang isang TV personality dahil sa prangka siya sa pagsasabi ng kanyang mga opinyon tungkol sa sari-saring isyung nagaganap sa ating bansa.

Ang kapatid ng isang influential person ang may kagagawan kaya kinukuyog ang TV personality ng detractors nito.

Binanggit ng kapatid ng influential person sa kanyang Facebook live session ang cell phone number ng TV personality na napanood ng mga kritiko ng huli. Mula noon, hindi na siya pinatahimik ng mga nagbabanta sa buhay niya.

Hindi ipinagwalang-bahala ng TV personality ang mga natanggap ng death threats dahil triple ang pag-iingat na ginawa niya.

Sa tuwing magre-report ang TV personality sa network na kanyang pinaglilingkuran, iba’t ibang sasakyan ang ginagamit niya bilang proteksiyon sa sarili.

Bukod sa pag-iingat, pinaiimbestigahan na ng TV personality ang mga pagbabantang natatanggap para matukoy niya ang mga taong nagpapadala sa kanya ng mga pananakot.

Handa ang TV personality na sampahan ng kaso ang mga taong mapapatunayan niyang pinagmumulan ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results