Sunshine Guimary, tinawag na "mandirigma sa kama"

by Jojo Gabinete
May 6, 2021
Showbiz newbie Sunshine Guimary, aminadong pinaka-challenging para sa kanya ang kinunang bed scenes niya sa self-titled movie niyang Kaka. Co-stars niya rito sina Jerald Napoles (upper right) at Ion Perez (lower right).
PHOTO/S: Instagram / Viva Films

Hindi napigilan ni Sunshine Guimary na mapaiyak sa virtual mediacon ng Kaka dahil hindi siya makapaniwalang bida agad ang isang probinsyanang katulad niya.

Launching movie niya ang sexy comedy film na Kaka, na ipalalabas sa Vivamax simula sa May 28.

Leading men niya rito sina Jerald Napoles at Ion Perez.

Lumuluhang pahayag ni Sunshine, "Thank you so much sa opportunity na ito, and kay Lord, maraming salamat.

"Malaking bagay ito sa akin, malaking bagay ito sa buhay ko, itong break na ito.

"Halos every night akong nagdarasal, nagpapasalamat, and I’m so grateful sa lahat. Thank you, thank you po."

Na-discover si Sunshine ng Viva Films dahil sa mga sexy picture niya sa kanyang Instagram account, na meron nang 1.4 million followers.

Lahad niya: "Na-discover ako sa IG, nag-a-upload lang ako ng sexy lingerie photos sa IG.

"Unprepared ako. Simpleng mamamayan lang ako sa Cebu.

"Wala akong experience pero ang dami-dami kong natutunan sa pelikulang ito. Ultimo yung sequence, hindi ko alam. 'Ano yung sequence? Ano yung blocking? Ano yung tuhog?'"

Continue reading below ↓

DARING SCENES

Malaking hamon din daw kay Sunshine ang mga maiinit na eksenang ginawa niya sa Kaka.

Base sa teaser, tinawag na "sexpert" at "mandirigma sa kama" ang kanyang title role.

Mayroon siyang intimate scene kasama si Josef Elizalde at sa isang machong lalaki na nakasuot ng maskara.

Kuwento ni Sunshine: "Pinakamahirap sa akin yung daring scenes sa Kaka. Yun ang mabigat for me. Happy ako na naibuhos ko.

"Bed scene ang pinakamahirap sa lahat. Sobrang daring ng eksena at mabigat na bed scene ang naganap.

"Hindi ako nagdalawang-isip na gawin, pero noong nandoon na ako, hindi pala madali.

"Proud ako sa sarili ko dahil naibuhos at naibigay ko ang lahat."

STARSTRUCK OVER MARCO GUMABAO

Samantala, ibinahagi ni Sunshine ang kanyang fangirling moment nang makita niya sa unang pagkakataon si Marco Gumabao sa taping ng The Wall Philippines noong Martes, May 4.

Ang The Wall Philippines ay isang game show sa TV5 na ang host ay si Billy Crawford.

Continue reading below ↓

Bilang baguhang artista, hindi raw naiwasan ni Sunshine na mangibabaw ang pagiging fan.

Ipinakita niya ang picture nila ni Marco sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, May 6.

"Hinintay kita para makapagpa-picture," saad ni Sunshine sa caption.

Dagdag pa niya, "Hindi ko ma-handle ang kilig. Akala ko kaya ko, hindi pala. Kinilig ako sobra.

"Pagbigyan niyo na ako, naninibago lang ako sa bagong mundo ko."

Sunshine Guimary with Marco Gumabao

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie Sunshine Guimary, aminadong pinaka-challenging para sa kanya ang kinunang bed scenes niya sa self-titled movie niyang Kaka. Co-stars niya rito sina Jerald Napoles (upper right) at Ion Perez (lower right).
PHOTO/S: Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results