Vice Ganda, umaming di masyadong apektado ng non-renewal ng ABS-CBN franchise

by Jojo Gabinete
May 8, 2021
Vice Ganda
Sabi pa ni Vice Ganda, mas apektado siya ng nagaganap pa ring coronavirus pandemic, kesa ng pagsasara ng ABS-CBN Network.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Ang current financial status niya ang isa sa mga itinanong kay Vice Ganda sa virtual presscon nito para sa Gandemic, ang kanyang "VG-tal Community Party" digital concert sa July 17, 2021.

Hindi naging maramot si Vice dahil matapat na sinagot niya ang tanong na may kuneksyon sa paggunita ng ABS-CBN employees sa Kapamilya Network shutdown noong May 5, 2020.

“Siyempre may effect siya kasi nabawasan ang kita.

“Yung sa franchise [non-renewal sa franchise ng ABS-CBN], wala naman masyadong effect financially kasi may programa pa din naman ako.

“Araw-araw, kumikita pa rin naman ako. In fact may bago na naman akong programa, dalawa na naman yung magiging programa ko so hindi siya naka-affect sa akin, financially, in a negative way kasi kumikita pa din naman ako,” paliwanag ni Vice.

Kasunod ang pag-amin na higit na nakaapekto sa kanya ang coronavirus pandemic dahil sa mga show na nawala.

“Ang naka-affect sa akin nang malala financially, hindi yung kawalan ng franchise, yung pandemic mismo kasi hindi nga ako makapag-concert tour, e. Ang laki ng ibinibigay sa akin ng concert tour, di ba?

Continue reading below ↓

Raket sa labas, yung mga piyesta-piyesta na ini-enjoy ko. Yung mga corporate show, pelikula, yun ang mga nawala sa akin, so malaki-laki din iyon."

Sa kabila ng mga nangyari, nagpapasalamat si Vice sa Diyos dahil sa mga oportunidad na ibinigay sa kanya kaya nakakatulong pa rin siya sa ibang mga tao.

“Yun ang naka-affect sa akin financially pero hindi naman ako naghirap dahil napakabait ng Diyos na binigyan Niya ako ng maraming-maraming pagkakataon in the past para kumita at makapag-ipon.

"Kaya ngayong nasa ganito akong sitwasyon, hindi ako salat na salat.

“Actually may kakayahan pa rin akong mag-provide for myself, for the people I love, at makapag-extend ng help sa mga tao na pinipili kong tulungan.

“So nabawasan lang ng kita dahil nabawasan yung raket, pero maayos pa rin naman ang kalagayan ko financially.”

Lumitaw sa virtual mediacon ng Gandemic ang malaki na pananalig ni Vice sa Diyos nang itanong sa kanya ang mga napagtanto niya buhat nang mag-umpisa ang coronavirus pandemic noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓

“Nothing is for sure,” ani Vice na madasalin sa tunay na buhay.

“Everything is in the hands of God. Nothing is definite. And even if there are a lot of people who feel they are powerful and rich and privileged, isa lang yung most powerful at Siya lang ang makakapag-decide ng lahat ng mangyayari.

“So this pandemic, everyone is powerless. Lahat tayo mag-aabang lang sa kung anong desisyon talaga ng Diyos.

“Yun ang pinaka-realization ko, so wala tayong magagawa kundi mag-antay lang sa Kanya at maniwala lang sa rason kung bakit iyon ang ibibigay niya sa atin.

“Hindi man alam ng tao na madasalin ako, dasal lang ako nang dasal kahit patawa ako nang patawa, dasal ako nang dasal lagi.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi pa ni Vice Ganda, mas apektado siya ng nagaganap pa ring coronavirus pandemic, kesa ng pagsasara ng ABS-CBN Network.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results