Bagong TV show ni Yassi Pressman, posibleng sa June 5 pa umere

by Jojo Gabinete
May 8, 2021
Yassi Pressman
Pinapaganda pa raw ang set ng bagong show ni Yassi Pressman na Rolling In It kaya maaaring maurong ang petsa ng airing nito.
PHOTO/S: @yassipressman Instagram

Ilang oras bago naganap ang Final Concert ng Born to Be a Star nitong Sabado nang gabi, naglabas ang TV5 ng teaser photo ng isang babae na may caption na “Look at that gorgeous woman! Mukhang may bago tayong aabangan sa TV TodoMax ah!”

Kahit nakatagilid ang “mystery woman,” hindi maipagkakaila na si Yassi Pressman ang tinutukoy na gorgeous woman dahil siya ang host ng Rolling In It, ang bagong game show na joint production venture ng Sari-Sari, Cignal TV, at Viva Television.

Yassi Pressman in Rolling In It

Continue reading below ↓

Rolling In It

Hindi pa nakakapag-umpisa si Yassi ng taping para sa Rolling In It dahil pinagaganda at inaayos na mabuti ang set ng kanyang game show.

Sa May 15 ang target pilot telecast ng Rolling In It pero hindi ito matutuloy kaya posible na malipat sa June 5 ang airing ng game show ni Yassi.

Habang hindi pa nagsisimula ang Rolling In It, ang three part special ng Born to Be a Star ang pansamantalang mapapanood sa timeslot na ookupahin ng bagong game show ng Kapatid Network.

Ang Rolling In It ang unang regular television project ni Yassi matapos patayin noong January 2021 ang kanyang karakter sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

May mga tagahanga si Yassi na nag-aalala na baka hindi na siya magkaroon ng mga television guesting sa mga programa ng ABS-CBN dahil sa kanyang programa sa TV5.

May partnership ang TV5 at ang ABS-CBN, kaya umaasa ang supporters ni Yassi na mapanood pa rin ito sa mga programa ng Kapamilya Network na ipinalalabas sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapatid Network.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinapaganda pa raw ang set ng bagong show ni Yassi Pressman na Rolling In It kaya maaaring maurong ang petsa ng airing nito.
PHOTO/S: @yassipressman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results