Chanel Morales, Kyle Velino, nag-share ng kanilang kuwentong mommy

by Jojo Gabinete
May 9, 2021
Chanel Morales, Kyle Velino
May "Mommy Issues" ba sina Chanel Morales at Kyle Velino?
PHOTO/S: Mommy Issues PR

Kahit maraming pagsubok na dala ang coronavirus pandemic, nagpapasalamat sina Chanel Morales at Kyle Velino dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makapiling nang matagal ang kanilang mga pamilya.

Sina Chanel at Kyle ang mga gumaganap na kaibigan nina Sue Ramirez at Jerome Ponce sa Mommy Issues, ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment Inc. at may kanya-kanyang kuwento ang dalawa tungkol sa kanilang mga ina.

Ayon kay Chanel, lumaki siya na hindi kasama ang kanyang ina kaya nagtatampo ito dahil sa kawalan nila ng komunikasyon.

“Nag-start ako magtrabaho at the age of 16. Almost half of my life, nasa Manila ako. Siya nasa Bacolod.

"Minsan, may times na hindi ako nakakatawag sa kanya. Tawag lang sa telepono ang hinihingi niya.

“Gusto niya kasi araw-araw. Kapag hindi ako nakakatawag, lagi siyang nagagalit. Palagi kaming nagtatalo, nagtatampo na, umiiyak siya.

“Ang sabi ko sa kanya, kahit hindi kita palaging natatawagan, lagi kang nasa heart, mind, at prayers ko.

Continue reading below ↓

“Bumabawi naman ako sa special occasions, hindi ko nakakalimutan.

“Ngayon nasa Bacolod ako. Natuwa nga siya. Blessing in disguise na makakasama ko siya nang matagal while pandemic,” ang kuwento ni Chanel tungkol sa mga isyu nila ng kanyang Bacolod-based mother.

Kakaibang excitement naman ang nararamdaman ni Kyle dahil ang Mommy Issues ang unang pelikula niya sa Regal Entertainment Inc. kaya special sa kanya ang nabanggit project.

Unlike Chanel, walang masyadong isyu si Kyle sa nanay niya dahil magkasundong-magkasundo sila.

“Sobrang special nito kasi first movie sa Regal Entertainment Inc. mula noong nag-sign up ako sa kanila,” ang sabi ni Kyle sa exclusive conversation niya sa Cabinet Files.

“Nagsimula po ako noong 2017 as a Star Magic talent. Nagkaroon ako ng show sa ABS-CBN at ang The Good Son ang unang television series project ko.

“Siyempre, kapag pinag-uusapan ang mga nanay, nagiging emosyonal ako. Masaya kami ng mommy ko, marami kaming pinagsamahan.

Continue reading below ↓

“Lahat ng kalokohan, siya yung laging iintindi sa ’yo na kahit anong gawin mo, talagang umiiral ang love sa mga nanay natin.

“Ngayong pandemic, na-realize ko talaga ang meaning ng family. Sobrang saya lang, kahit marami ang nangyayari ngayon, lagi nating i-remind ang ating parents kung gaano natin sila kamahal at ka-special. Huwag nating hintayin kung kailan huli na ang lahat.”

Incidentally, nagsimula noong May 7 ang streaming ng Mommy Issues sa UPSTREAM.ph, ktx.ph, iWant TFC, at TFC IPPV.

Natutuwa ang mga producer ng Regal Entertainment Inc. dahil sa positive reviews at mga papuri ng manonood sa malakas na chemistry nina Pokwang at Ryan Bang, ang lead cast ng pelikula.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May "Mommy Issues" ba sina Chanel Morales at Kyle Velino?
PHOTO/S: Mommy Issues PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results