Old Pinoy sexy movies muling nagkaroon ng audience sa VivaMax

by Jojo Gabinete
May 11, 2021
Tila nagbalik na ang interes ng mga manonood sa sexy films at pruweba nito ang pagkakasama sa Top 10 Content of the Week ng VivaMax ng old sexy movies gaya ng Ekis (1999), Ang Kabit Ni Mrs. Montero (1999), at Segurista (1996).

Walang katiyakan kung kailan magbubukas ang mga sinehan dahil matindi pa rin ang banta ng coronavirus.

Ang mga streaming site na VivaMax, UPSTREAM.ph, ktx.ph, iWantTFC, at WeTV ang naghahatid ng mga pelikula at digital series na malaking pabor sa manonood dahil hindi nila kailangang umalis mula sa kanilang mga tahanan.

Ang walang kasiguraduhang pagbubukas ng movie houses sa malls ang dahilan kaya ang mga streaming site na nagkaroon ng partnership ang nagsisilbi ngayong sinehan sa sariling bahay ng moviegoers.

Dati-rati, exclusive na napapanood sa VivaMax ang mga pelikula ng Viva Films, pero matutunghayan na rin ito sa ktx.ph at iWantTFC dahil sa nabuong partnership ng magkabilang-panig.

May partnership na rin ang Regal Entertainment, Inc. sa streaming sites ng ABS-CBN Corporation kaya hindi lang sa UPSTREAM.ph mapapanood ang Mommy Issues at ang upcoming movies ng film outfit ng Monteverde family.

Bukod sa partnership ng streaming sites na nabuo sa panahon ng coronavirus pandemic, unti-unti na ring bumabalik ang hilig ng publiko sa sexy movies.

Continue reading below ↓

Matibay na pruweba nito ang pagiging number one ng Death of A Girlfriend sa Top 10 Content of the Week ng VivaMax.

Kasama sa Top 10 Content of the Week ng VivaMax ang phenomenal na pagbabalik ng old sexy movies.

Kabilang dito ang Ekis, ang 1999 movie nina Sunshine Cruz at Albert Martinez; Ang Kabit ni Mrs. Montero, ang launching movie ni Patricia Javier noong 1999; at ang Segurista, ang 25-year-old film nina Michelle Aldana at Gary Estrada.

Mga luma na ang mga nasabing pelikula pero nakapagtatakang muling pumukaw sa interes ng manonood at sa kasalukuyang henerasyon sa panahon ng coronavirus pandemic.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila nagbalik na ang interes ng mga manonood sa sexy films at pruweba nito ang pagkakasama sa Top 10 Content of the Week ng VivaMax ng old sexy movies gaya ng Ekis (1999), Ang Kabit Ni Mrs. Montero (1999), at Segurista (1996).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results