Kim Atienza, sinopla ang pahayag ni Mario Maurer tungkol kay Rabiya Mateo

by Jojo Gabinete
May 12, 2021
Tila hindi pa rin nawawala ang inis ni Kim Atienza (kaliwa) sa Thai actor na si Mario Maurer (kanan) dahil nagkomento ang Kapamilya host sa pahayag ni Mario tungkol kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo. May kinalaman sa demand letter ng kampo ni Mario sa comedienne na si Kakai Bautista ang disgusto ni Kuya Kim sa Thai actor.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Hindi napigilan ni Kim Atienza na magbigay ng reaksiyon sa news report na inilabas ng GMA News tungkol sa Thai actor na si Mario Maurer at ang mensahe nito para kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Nang mag-check in si Rabiya sa hotel na official residence ng 69th Miss Universe contestants noong May 6, sinabi ng Filipino beauty queen sa ambush interview sa kanya ng Thai beauty pageant enthusiasts na favorite actor niya si Mario at nanonood siya ng Thai Boys Love series.

Si Mario ang brand ambassador ng isang telecommunications company. Sa virtual media conference na naganap kahapon, May 11, nagsalita siya tungkol sa Philippine bet sa 69th Miss Universe.

“I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that.

“And, you know, I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish [her] good luck,” pahayag ni Mario sa report na inilabas ng GMA News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalampas ni Kim ang sinabi ni Mario at mararamdaman sa kanyang komento na nakikisimpatiya siya sa singer-comedienne na si Kakai Bautista.

Sabi ni Kim, "No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that."

Kim Atienza reaction to Mario Maurer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang demand letter na ipinadala ng kampo ni Mario kay Kakai noong March 2021 ang tila pinanggagalingan ng unfavorable comment ni Kim para sa Thai actor.

Nakasaad sa demand letter na mapipilitan ang team ni Mario na magsampa ng pormal na kaso laban kay Kakai kapag nagpatuloy ito sa pagsasalita tungkol sa Thai actor na nakatrabaho niya noon sa Suddenly It’s Magic, ang 2012 movie ng Star Cinema.

Bahagi ng nakasaad sa demand letter na natanggap ng kampo ni Kakai: “By so using the name of our client, [Bautista] is improperly exploiting the name, image and reputation of [Maurer], his management, agents and representatives, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand.”

Samantala, nabanggit ni Mario sa virtual presscon kahapon ang kanyang kagustuhang muling bumalik sa Pilipinas at gumawa ng pelikula.

Pahayag niya, “I’m looking forward to doing a movie in the Philippines because my last movie there was quite an experience for me and people there are very nice. I would like to go back there again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din si Mario kung ano ang masasabi niy tungkol sa kanyang popularidad sa Pilipinas.

Sagot niya, “For me, to be famous in the Philippines is like a dream for me because I’m an actor in Thailand, and I never imagined that my movie and some of my works will be very famous in the Philippines.

“Since my career started, I got very famous in the Philippines.

"I think the reason I’m very famous there is the connection because all my best friends are Filipino.

"Many guys around me are Filipinos and I know that Filipino people are very nice and very happy to be around."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila hindi pa rin nawawala ang inis ni Kim Atienza (kaliwa) sa Thai actor na si Mario Maurer (kanan) dahil nagkomento ang Kapamilya host sa pahayag ni Mario tungkol kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo. May kinalaman sa demand letter ng kampo ni Mario sa comedienne na si Kakai Bautista ang disgusto ni Kuya Kim sa Thai actor.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results