Kakai Bautista, overwhelmed sa pagtatanggol muli sa kanya ni Kim Atienza laban kay Mario Maurer

by Jojo Gabinete
May 12, 2021
Mangiyak-ngiyak daw si Kakai Bautista (gitna) sa muling pagtatanggol sa kanya ni Kim Atienza (kaliwa) laban sa kampo ng Thai actor na si Mario Maurer (kanan).
PHOTO/S: Instagram

Nabasa ni Kakai Bautista ang komento ni Kim Atienza sa report ng GMA News tungkol sa good-luck message ng Thai actor na si Mario Maurer para kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Si Rabiya ang official delegate ng ating bansa sa 69th Miss Universe.

Nakatikim ng salita si Mario mula kay Kim nang sabihin ng Thai actor sa isang virtual presscon kahapon, May 11, na nakarating sa kanya ang balitang iniidolo siya ni Rabiya.

Pahayag ni Mario, “I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that.

“And, you know, I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish [her] good luck.”

Kinontra to ni Kim at sinabing: "No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that."

Kim Atienza comment for Mario Maurer

Continue reading below ↓

Nakita ni Kakai ang comment ni Kim sa Facebook page ng GMA News.

Reaksiyon ng comedienne-singer: “I love you Kuya. Naiyak ako. Pinagtanggol na naman n’ya ako.”

SUPPORT FROM KUYA KIM AND OTHER PEOPLE

Dahil si Kakai ang nasa sentro ng isyu, hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon niya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tanong sa kanyang manager na si Freddie Bautista.

Mabilis ang pagsagot ni Kakai dahil natanggap agad namin mula kay Freddie ang kanyang reaksyon.

Sabi niya, “I am overwhelmed and was teary-eyed when I read Kuya Kim’s comment sa article ng GMA News.

"Lumipas ang maraming taon, ngayon lang po ako nagkaroon ng mga vocal na tagapagtanggol about that issue."

Dinurog noon nang husto ng bashers ang pagkatao ni Kakai pero naging matatag siya nang maugnay ang pangalan niya kay Mario. May rason siya para maging masaya dahil hindi lamang si Kim ang nagtatanggol ngayon sa kanya.

Continue reading below ↓

Bumuhos din ang suporta mula sa netizens na naniniwalang hindi makatarungan ang pagbabawal ng kampo ni Mario na magsalita si Kakai—kasama ang bantang sasampahan ng kaso ang singer-comedienne—tungkol sa Thai actor na nakatrabaho niya sa Suddenly, It’s Magic ng Star Cinema noong 2012.

Dagdag na pahayag ni Kakai, “When you know your truth, you will always be OK. Karma will be served to those who deserve it.”

FIRST YAYA

Abala ngayon si Kakai sa lock-in taping ng First Yaya, ang romantic-comedy series ng GMA-7.

Dahil nasa lock-in taping siya ng First Yaya, tinanong na rin namin kay Kakai ang mga nangyayari sa set ng kanilang top-rating TV series.

Ayon kay Kakai, “We are currently on our 4th leg lock-in taping for First Yaya.

"Sobrang solid po ang samahan namin dito and masarap magtrabaho dahil sa mga hardworking people involved in this show."

Nagkataon namang may kinalaman sa “universe” ang recent Instagram post ni Kakai na may caption na "I am the Queen of my Own Universe and No man can tell me otherwise."

Continue reading below ↓

Pero wala itong kinalaman sa good-luck message ni Mario para kay Rabiya.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mangiyak-ngiyak daw si Kakai Bautista (gitna) sa muling pagtatanggol sa kanya ni Kim Atienza (kaliwa) laban sa kampo ng Thai actor na si Mario Maurer (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results