Kim Molina inaming pinagselosan si Sunshine Guimary: "I’m human also so I felt certain emotions."

by Jojo Gabinete
May 12, 2021
Kim Molina (left) on getting jealous of sexy star Sunshine Guimary (right), the leading lady of Kim's boyfriend Jerald Napoles in the movie Kaka: "May certain emotions akong naramdaman, of course. I think ang nagbigay po ng factor dun is that lock-in [shoot]. So, as a girlfriend, meron akong, 'Hala, alam ko ang gagawin niya.' Yung being human ko lang na alam ko gagawin niya. Every day ganyan."
PHOTO/S: Instagram

Hindi uso kay Kim Molina ang off the record kaya hindi nakagugulat na inamin niya ang selos na kanyang naramdaman para sa bagong sexy star na si Sunshine Guimary.

Ang boyfriend ni Kim na si Jerald Napoles ang leading man ni Sunshine sa Kaka.

Sa mediacon ng pinagbibidahang pelikula ni Kim, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ngayong Miyerkules ng hapon, May 13, maluwag sa kaloobang ipinagtapat ng singer-actress ang mga pagsubok na pinagdaanan nila ng kanyang boyfriend habang nasa lock-in shooting ito ng Kaka.

Continue reading below ↓

"I’m human also so I felt certain emotions. Hindi ko rin naman in-expect na magkakaroon kami ng ganoong klaseng movies, but I also thought of that when I did Momol Nights," pagtukoy ni Kim sa digital movie nila ni Kit Thompson noong 2019.

"Meron akong hindi malayong gagawin siya ni Jerald.

"Kasi marami rin ang nagsasabi na babaeng version ako ni Je, at si Je lalakeng version ko, kaya meron akong gagawa rin siya nang ganito. Hindi ko lang din talaga in-expect na agad-agad.

"May certain emotions akong naramdaman, of course. I think ang nagbigay po ng factor dun is that lock-in [shoot].

“So, as a girlfriend, meron akong, 'Hala, alam ko ang gagawin niya.' Yung being human ko lang na alam ko gagawin niya. Every day ganyan.

"But at the same time, pinagkatiwalaan ko si Je, and si Jerald naman, he was such a gentleman that he would always tell me what’s happening.

Continue reading below ↓

“Okey naman, actually, nag-video call pa kami ni Je tapos nandoon din si Shine, nag-hi ako,” kuwento ni Kim tungkol sa matinding selos na naramdaman niya.

Sinagot ni Kim ang tanong tungkol sa kanyang pagseselos dahil pareho silang artista ni Jerald, pero hindi niya naihiwalay ang personal na pakiramdam sa kanyang propesyon.

Continue reading below ↓

KIM APOLOGIZES TO JERALD

Ipinaliwanag ni Kim na siya ang higit na emosyonal sa kanilang dalawa kaya inihingi niya kay Jerald ng paumanhin ang kanyang inasal.

“I’m just gonna be very honest again. With Jerald kasi, mas senior po siya na actor so mas gets niya yung, 'Ganito dapat. Kailangan matanggap mo.'

"And ako, very honest naman ako, alam po ito ng mga boss, na it was very new to me.

"Hindi ko ito talaga in-expect na ang magiging boyfriend ko nga, e, artista rin.

"Hindi ko nga rin po in-expect na magiging artista rin ako. Ang gusto ko lang po, maging singer, mag-release ng mga song. Yun po talaga ang main goal ko in life.

"So, hindi ko ine-expect na magbibida kami sa movies tapos may certain genre po kami na kailangang gawin.”

Sabi pa ni Kim, "It was actually me na mas naging emosyonal. Na kailangan din intindihin ni Jerald na I’m very lucky to have him as my boyfriend who’s very understanding also.

Continue reading below ↓

"It was me na kailangan mag-adjust talaga na you have to be professional regarding this because you’re both actors so you have to understand the things he has to do.

"It was a process for me that I have to acknowledge the fact that I shouldn’t be too emotional pagdating sa ganitong klase ng trabaho.

"Ako naman po, nag-apologize kay Jerald kung anuman yung emosyon, at okey naman po kami. Hindi naman siya nag-cause ng anything big sa relationship namin.

"Kailangan niya talaga akong kausapin, hindi naman pakalmahin, pero yung sabihin sa akin na, 'Kailangan tanggap mo kung hindi, hindi tayo magkakaroon ng trabaho.'

"Inintindi ko naman po. It was a process for me.

"But right now, I’m okay. Okay lang magpakita ka ng kung anuman diyan. Ayoko naman maging selfish."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina (left) on getting jealous of sexy star Sunshine Guimary (right), the leading lady of Kim's boyfriend Jerald Napoles in the movie Kaka: "May certain emotions akong naramdaman, of course. I think ang nagbigay po ng factor dun is that lock-in [shoot]. So, as a girlfriend, meron akong, 'Hala, alam ko ang gagawin niya.' Yung being human ko lang na alam ko gagawin niya. Every day ganyan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results