Watch Now

Mayor Isko Moreno, dismayado sa bagal ng pag-deploy ng COVID-19 vaccines

by Jojo Gabinete
May 13, 2021
Manila Mayor Isko Moreno, hindi napigilang magpahaging na tila "pinatutubuan" pa sa "refrigerator" o "bodega" ng national government ang bagong deploy na COVID-19 vaccines sa bansa dahil hindi pa raw nakakarating sa Maynila. Pero kumalma rin ang alkalde nang dumating ang bagong stock ng vaccine sa Maynila noong madaling-araw ng Miyerkules, May 12.
PHOTO/S: Isko Moreno YouTube

Pinuna ni Manila City Mayor Isko Moreno ang national government dahil sa mabagal na deployment ng COVID-19 vaccine.

Base ito sa mayoral address ni Isko noong Martes ng gabi, May 11.

Ito ay dahil noong araw na iyon ay hindi pa natatanggap ng lungsod na pinamumunuan niya ang parte mula sa 1.5 million doses ng Sinovac vaccines at 2 million doses ng AztraZeneca na dumating sa bansa noong May 7 at May 8.

Pahayag ni Isko: "Mukhang unreliable yung supply ng vaccine. Unreliable na yung supply sa mundo, unreliable pa pag dumating dito, kasi ang bagal.

"Ako na po ang nagsasabi sa inyo, hindi po mabagal, super bagal yung deployment.

"Lahat ng local government ready naman mag-deploy kasi ginagawa na natin ‘yan, e. I don’t know why is it taking so long."

Nagtataka rin daw siya dahil kakaunti lang ang na-deploy sa Maynila gayong isa raw ang lungsod sa may pinakamalaking populasyon sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko alam kung pinatutubuan pa nila sa kanilang mga refrigerator itong mga bakunang ito. That I don't know.

"There must be somebody who's going to be liable.

"If you believe that vaccination is the solution to restart the economy, bumalik sa normal ang buahy ng tao, ang bakuna hindi dapat pinatatagal kung saan-saang bodega."

Giit pa ng alkalde: "I’m not happy. Ilang milyon na yung bakuna, nasa bodega pa rin. Yun ang bad news.

"Pero umasa kayo mga kababayan, we guarantee you, basta lumanding sa amin ang bakuna, ide-deploy natin agad."

Ibinalita rin ni Isko na as of May 11, ang LGU ng Maynila ay nakapagbakuna na ng 84,257 individuals para sa first dose at 49,269 individuals para sa second dose.

Mayor Isko Moreno on COVID-19 deployment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"UTTER MISMANAGEMENT" OF THE VACCINE DEPLOYMENT

Si Dr. Tony Leachon, former special adviser sa National Task Force Against COVID-19, ay naghayag din ng pagkabahala sa mabagal na pagbabakuna sa mga Pilipino.

May expiration dates ang COVID-19 vaccines, kaya nanganganib na maitapon lang sa basurahan kapag hindi agad nagamit.

Unang ni-retweet ni Leachon ang eksaktong bilang ng AstraZeneca vaccines na bagong dating sa bansa, at kung kailan ang expiry date ng mga ito.

"Ayon sa National COVID-19 Vaccination Operations Center, ang 2 milyong doses ng AstraZeneca na dumating noong Sabado (May 8) ay mae-expire ngayong Hunyo at Hulyo.

"1,504,800 doses — mageexpire sa Hunyo 30, 2021

"525,600 doses — mageexpire sa Hulyo 31, 2021."

Pagkatapos ay sunud-sunod ang tweets ni Leachon tungkol sa bilang ng taong mga nabakunahan simula Mayo 1 hanggang Mayo 8.

Bagamat tumataas ang average ng mga nabakunahan, naalarma pa rin si Leachon dahil baka hindi raw maubos ang stocks bago mag-expire ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweets ni Leachon: "Average rates of vaccination in the past 7 days: super slow!

"May 3 — 33,039 per day

"May 4 — 36,343 per day

"May 5 — 40,542 per day

"May 6 — 48,687 per day

"May 7 — 56,361 per day

"May 8 — 64,900 per day May 9 — 62,654 per day.

"We are still at 40-60k vaccination per day. At this rate we can never finish the AstraZeneca 1.5M stocks that will expire in June. LGU’s still loaded with Sinovac stocks.

"We have not yet finished the 3M doses of Sinovac. Were just half way through them. Sayang... super sayang!"

Sabay nagpatutsada si Leachon sa pamunuan ng Department of Health (DOH) dahil sa kakulungan umano ng maayos na sistema sa deployment ng vaccines.

"Utter mismanagement! DOH rationalizes AstraZeneca vaccine doses as expiry date nears.

"DOH should have alerted the LGU’s on the expiry date way ahead of time to prepare the vaccination centers and the people given the high vaccination centers and the people given the high vaccination hesitany rate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We are racing against time!"

Tunay na nakababahala ito dahil gustung-gusto na ng marami sa ating mga kababayang maturukan ng COVID-19 vaccines, pero namimiligro na hindi mapakinabangan ang mga ito kung hindi bilisan ang pagkilos ng government agency na may pananagutan.

NEWLY DELIVERED VACCINES IN MANILA

Sa gitna ng mayoral address ni Isko noong gabi ng May 11, saktong dumating sa Maynila ang 7,020 doses na Pfizer vaccine.

Ipinakita niya ang litrato ng storage facility sa Sta. Ana Hospital sa Manila kunsaan dineploy ito.

Sa hiwalay na mayoral address ni Isko noon namang Miyerkules ng hapon, May 12, nag-update siya na dumating na sa Maynila ang bagong stock ng AstraZenica at Sinovac vaccines mula sa national government.

Na-deliver daw ito noong madaling-araw ng Miyerkules.

Bunsod nito ay tila kumalma ang alkalde at nagpasalamat kay President Rodrigo Duterte, vaccine czar Carlito Galvez Jr., at DOH secretary Francisco Duque III.

Ani Isko sa kanyang latest mayoral address: "Nagkamit ang Maynila ng bakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now to the national government, we'll do our best to achieve your goal to deploy it and save a lot of people.

"At sa mamamayan ng lungsod, disiplina ang kailangan natin at tiyaga."

Huwebes ng 6 a.m. hanggang 8 p.m. nakatakda ang schedule ng bakuna sa Maynila para sa senior citizens na tatanggap ng first dose ng bagong stock ng AstraZeneca vaccine.

Mayor Isko Moreno on Manila Vaccination plan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno, hindi napigilang magpahaging na tila "pinatutubuan" pa sa "refrigerator" o "bodega" ng national government ang bagong deploy na COVID-19 vaccines sa bansa dahil hindi pa raw nakakarating sa Maynila. Pero kumalma rin ang alkalde nang dumating ang bagong stock ng vaccine sa Maynila noong madaling-araw ng Miyerkules, May 12.
PHOTO/S: Isko Moreno YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results