Sa Paraiso Ni Efren actor Allyson VII pumanaw dahil sa heart attack

by Jojo Gabinete
May 13, 2021
Former actor Allyson VII passed way on May 8, 2021 due to massive heart attack. He was 44. Allyson VII was active in showbiz from late '90s to 20003.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na ang dating sexy actor na si Allyson VII noong May 8, 2021 dahil sa massive heart attack.

Si Allyson VII, na ang tunay na pangalan ay John Allyson Vll Gonzales, ay pumanaw sa edad na 44.

Si Allyson ay isinilang noong noong September 12, 1976.

Protegé siya ng pumanaw na ring direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Nagsimula ang kanyang acting career noong 1997.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Allyson noong aktibo pa siya sa showbiz ay Computer Kombat (1997), Sa Paraiso Ni Efren (1999), Gusto Ko Nang Lumigaya (2000), Live Show (2000), at Magnifico (2003).

Former actor Allyson VII

Continue reading below ↓

Allyson before and after

Kilala rin siya bilang miyembro ng Maryo Bros., ang tawag sa mga male talent ni Maryo na kinabibilangan din nina Yul Servo, Poppo Lontoc, Jun Palatao, Emilio Malvar, Daniel Figueroa (R.I.P.), at Robert Aviles (na nagpalit ng screen name, Winston Elizalde, nang maging contract star ng Seiko Films).

Nagkaroon ng best supporting actor nomination si Allyson mula sa Gawad Urian noong 2000 dahil sa kanyang pagganap sa Sa Paraiso ni Efren.

LIFE AFTER SHOWBIZ

Ikinuwento ng asawa ni Allyson na si Josh sa Cabinet Files ang mga pinagkaabalahan ng dating aktor nang talikuran nito ang showbiz.

Former actor Allyson VII family

Continue reading below ↓

Ayon sa misis ni Allyson, "His last movie was Magnifico because he wanted to quit showbiz and concentrate on our family. He was a very good family man.

"We have a couple of businesses. He aided me in my mom’s transportation business, we also have a kennel of small breed dogs and he has a series of apartments in Sta. Mesa, Manila."

Dagdag pa ni Josh, "We have two daughters.

"Allyson Nicole, she is sixteen years old and a singer. She’s a member of PnY, a girl group. Kinanta po nila ang remake ng 'Mr. Kupido' at manager nila si Vehnee Saturno and wife Ladine Roxas."

Allyson VII daughter Allyson Nicole

Continue reading below ↓

Allyson Nicole

“Our another daughter, Hailey, passed away at the age of one and a half due to congenital heart problem.

“Hindi na po naka-move on si Allyson nang mamatay si Hailey noong 2018. Parati po niyang kinakausap ang picture ni Hailey na kamukhang-kamukha niya.

"But he concentrated on Allyson Nicole since she also entered showbiz. He was the one who would fix her up especially her hair.

"He was such a devoted father and husband."

Allyson VII with late daughter hailey

Continue reading below ↓

Allyson VII with a picture of his late daughter Hailey

VEHICULAR ACCIDENT

Bago namatay si Allyson noong May 8, nasangkot muna ito sa isang vehicular accident dahil nabangga ang kanyang minamanehong sasakyan nang bigla siyang mag-blackout.

Lahad ni Josh, “He was out with his parents in Makati, nabangga po sila dahil nag-blackout si Allyson at nabangga niya ang sasakyan ng isang doktor.

“Sinabi ng doktor na dalhin si Allyson sa ospital, but he felt he was okay.

"Since I was not with him, he wanted to go home to me and our daughter kaya umuwi na sila.

"Wala naman po nasaktan sa aksidente na nangyari but the car was terrible talaga.

"The accident took place around 2 p.m., at 3:30 p.m. nang papauwi na siya sa amin at naglalakad siya nang biglang matumba.

"Ang last na sinabi niya po sa driver ko po was ‘Jomar, ikaw na muna ang bahalang mag-drive at mag-asikaso kina Ally at Josh.

Continue reading below ↓

”He was proclaimed dead on arrival at the Medical City Taguig. They tried to revive him for an hour but wala na po.

”So, maybe God had other plans.”

Matinding pangungulila ang nararamdaman ni Josh sa biglaan at maagang pagpanaw ng kanyang 44-year-old husband.

Pero tulad ng sinabi niya, naniniwala siyang may ibang plano ang Panginoong Diyos.

Nangyari ang cremation sa bangkay ni Allyson noong May 11, ang kaarawan ng kanyang sumakabilang-buhay na anak na si Hailey. Magkasama na sila ngayon sa columbarium ng Heritage Park sa Taguig City.

Allyson VII wake

Continue reading below ↓

Robert Aviles, Poppo Lontoc, and Jun Palatao at the wake of Allyson

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actor Allyson VII passed way on May 8, 2021 due to massive heart attack. He was 44. Allyson VII was active in showbiz from late '90s to 20003.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results