Pag-walkout nina Marco Gumabao at Super Tekla sa P1M pool challenge ni Donnalyn Bartolome, prank lang pala

by Jojo Gabinete
May 13, 2021
Napaniwala ang marami na totohanan ang pagwu-walkout nina Marco Gumabao (pangalawa sa kanan) at Super Tekla (dulong kanan) sa P1 million pool challenge ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome (pangalawa sa kaliwa). Pero lumalabas na prank lang pala ang lahat.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

It’s a prank!

Inilabas na ni Donnalyn Bartolome ang Part 2 ng kanyang vlog na may pamagat na "Extreme Last To Leave The Pool (The Truth + Raw Clips)" ngayong Huwebes ng gabi, May 13.

Alam na ngayon ng publiko na biktima siya ng prank nina Marco Gumabao at Super Tekla.

Sa Part 1 ng vlog na uploaded noong May 11, ipinakitang nababahala si Donnalyn dahil sa inasal nina Marco at Tekla.

Kapwa kasing nagreklamo sina Marko at Tekla na hindi umano nasunod ang rules sa mga hamong ipinagawa sa kanila kaya dinaya ang kanilang pakiramdam.

Supek Tekla, Marco Gumabao P1M Pool Challenge

Continue reading below ↓

Super Tekla and Marco Gumabao

Isang milyong piso ang alok na premyo ni Donnalyn sa celebrity contestant na hindi aahon mula sa pool na nilagyan ng ipis, palaka, sawa, at buwaya.

Pero may mga rule na dapat sundin na nilabag umano nina Marco at Tekla.

Sina Donita Nose at ang mga YouTuber na sina Asian Cutie at Mika Salamanca ang mga kasama nina Donnalyn, Marco, at Tekla sa "Last To Leave The Pool Wins 1 Million Pesos challenge."

DONNALYN'S FACEBOOK POST

Pero noong May 10, may Facebook post si Donnalyn tungkol sa mga kasali na kinuwestiyon ang idinagdag na game rules at inakusahan siya ng pandaraya.

Post ni Donnalyn: “Deleted na yung vlog okay na tayo? 1M yunn. 1M.

“1 Million pesos galing saakin mismo yung pera na yun. Tingin niyo madali lang ibibigay ang 1M?

“Malamang may ahas at crocodile dun kaya mas okay magsialisan na lahat sa pool, nangangagat talaga yung mga buhaya na yun.

Continue reading below ↓

“Kaya nga tayo may waiver at medic kasi unsafe.

“Kaya ko doblehin yang 1M na yan making content with you guys, kikitain natin yan kahit di kayo manalo so sana walang pikunan. [heartbreak emoji]

"Sayang friendship grabe..

“LAST TO LEAVE THE POOL WINS 1 MILLION PESOS tapos kailangan bawal new rules?

“Pwede umakyat sa railing for like 30 seconds and still be in the game? Come on.”

Malinaw na sina Marco at Tekla ang mga pinariringgan ni Donnalyn.

"IT'S A PRANK!"

Pero sa Part 2 ng video na in-upload ngayon sa kanyang YouTube Channel, lumitaw ang katotohanang prank lamang ang pagtataray sa kanya nina Marco at Tekla.

Sabi ni Marco kay Donnalyn sa eksenang nagpaalam sila ni Marco, “Paano magiging happy ending, e, nadaya nga kami dito, di ba? Paano tayo magiging happy ending dito?

"Kasi pumunta kami dito. Sabi mo one million, okay, cash prize."

Litanya pa kunwari ni Marco, "Hindi kami mukhang pera, pero kumbaga para sa amin, pera ito, may matutulungan kami.

Continue reading below ↓

"Tapos, parang umangat lang ako dun, dinaya mo kami na parang o ano out ka na? Parang, come on…"

Nagrehistro sa mukha ni Donnalyn ang pagkabahala nang si Tekla naman ang magsalita pero may kasamang pagmumura.

Sabi ni Tekla, “At saka excuse me lang, Miss Donnalyn, I know first time kita na-meet.

“Pumunta kami dito, nag-effort, and then siyempre, talking about one million [pesos], kahit sinong tao, one million, wala talagang aahon kahit magkaduguan na.

“Ini-explain ko lang kasi, di ba, nangangatog na yung tuhod ko diyan? Alam mo ba put…ina, takot ako sa ahas. Takot na takot ako. ‘Yan ang pinakatakot ako.

“Aatakehin ako pero tiniis ko kasi put…na, one million ‘yan, e! Nakakagago, sa totoo lang, pikon na pikon ako!”

Pinilit ni Donnalyn na magpaliwanag at ipagtanggol ang sarili pero hindi niya nakumbinsi sina Marco at Tekla.

Nang sumigaw si Marco ng “It’s a prank!” ay napaiyak na lamang si Donnalyn.

Continue reading below ↓

Donnalyn Bartolome P1M Pool Challenge

Pero sa huli, hindi umuwing luhaan sina Donita, Marco, at Tekla dahil nakatanggap sila ng P15,000 each mula sa singer-actress.

Kung naging biktima si Donnalyn ng prank na ginawa nina Marco at Tekla, nakinabang naman siya nang husto dahil sa dami ng ads sa Part 2 ng kanyang "Last To Leave The Pool" vlog.

Continue reading below ↓

Napaglaruan din ni Donnalyn ang mga taong naniwala sa kanyang banta na buburahin na lamang niya ang collaboration challenge video nila nina Marco at Tekla dahil inakusahan siya ng pandaraya.

Pero alam na ng singer-actress na prank lamang ang lahat bago pa ito nag-post sa Facebook ng patutsada laban kina Marco at Tekla.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaniwala ang marami na totohanan ang pagwu-walkout nina Marco Gumabao (pangalawa sa kanan) at Super Tekla (dulong kanan) sa P1 million pool challenge ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome (pangalawa sa kaliwa). Pero lumalabas na prank lang pala ang lahat.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results