Pilipinas Got Talent finalist Mark Joven Olvido arestado sa buy-bust operation sa Laguna

by Jojo Gabinete
May 14, 2021
Nahuli ng pulisya si Mark Joven Olvido na diumano'y nagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation. Nasamsam sa kanyang pag-iingat ang tatlong sachet ng shabu at marked money mula sa pinagbentahan nito.
PHOTO/S: PEP.ph source / Pilipinas Got Talent Season 6

Arestado si Mark Joven Olvido ngayong araw, May 14, 2021, alas dos ng hapon, sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.

Kilala rin si Mark bilang Vape Master, ang third runner-up sa defunct ABS-CBN reality franchise show na Pilipinas Got Talent Season 6.

Nadakip si Olvido sa buy-bust operation ng Elements of DEU/PIU District na pinangungunahan ni P/Lt. Henry Sasaluyam at ng anim pang kasamahan nito sa ilalim ng direct supervision ni P/Lt.Col. Arvin Avelino, ang chief ng Police Intelligence Unit.

Ang mga tauhan ng Sta. Cruz Muncipal Police Station at mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Region 4 ang umaresto kay Olvido.

Base ito sa impormasyong natanggap ng Cabinet Files mula sa isang source na naroon sa lugar kung saan prinisinta ang mga umano'y ebidensiya laban kay Olvido.

Saksi ang mga elected official ng Sta. Cruz, Laguna at ilang miyembro ng media nang isagawa ang imbentaryo ng mga diumano'y nakumpiska mula kay Olvido.

Continue reading below ↓

Nasamsam sa pag-iingat ni Olvido ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu at ang marked buy-bust money na nagkakahalaga ng dalawang libong piso (PHP2,000).

Mark Joven Olvido buy-bust operation

Sinusubukang ikontak ng Cabinet Files si Olvido para makuhaan siya ng pahayag. Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng singer-actor.

Continue reading below ↓

MARK JOVEN OLVIDO'S STINT IN SHOWBIZ

Dating nagtrabaho bilang tricycle driver si Olvido bago siya naging contestant sa Pilipinas Got Talent Season 6 noong 2018.

Mark Joven Olvido in Pilipinas Got Talent

Dahil sa pagsali niya sa reality talent competition show ng ABS-CBN, nagkaroon si Olvido ng showbiz career at nagsunud-sunod ang kanyang mga television guesting at mga pelikula, gaya ng 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon! (2019) at Unli Life (2018).

Continue reading below ↓

Noong 2018, naging bahagi si Olvido ng FPJ's Ang Probinsyano bilang isa sa mga kaibigan ni Cardo Dalisay, ang pulis na ginagampanan ni Coco Martin.

Makalipas ang tatlong taon, mga tunay na Cardo Dalisay o mga pulis ang dumakip sa kanya dahil sa diumano'y paglabag niya sa Section 5 at Section11 ng Article ll ng Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahuli ng pulisya si Mark Joven Olvido na diumano'y nagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation. Nasamsam sa kanyang pag-iingat ang tatlong sachet ng shabu at marked money mula sa pinagbentahan nito.
PHOTO/S: PEP.ph source / Pilipinas Got Talent Season 6
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results