Carla Abellana, Tom Rodriguez's 2015 movie nag-trending after ng wedding bann nilang nag-viral

by Jojo Gabinete
May 15, 2021
Trending sa Netflix Philippines ang No Boyfriend Since Birth movie nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Bago nito, nag-viral ang wedding bann ng dalawa.
PHOTO/S: Regal Films; Facebook

Noong May 13, 2021 ang premiere streaming sa Netflix ng No Boyfriend Since Birth, ang second movie team-up nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Unang ipinalabas ito sa mga sinehan noong November 11, 2015.

Kasabay ng premiere streaming ng No Boyfriend Since Birth ang pagkalat ng balita na ikakasal sina Carla at Tom sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands sa October 23, 2021. Naka-post ang mga detalyeng ito sa Facebook page ng San Guillermo Parish sa Talisay, Batangas.

Wedding bann ang tawag sa public announcement tungkol sa pag-iisang dibdib ng dalawang tao sa Catholic church. Isang paraan ito para malaman kung may canonical o civil legal impediment o may tututol sa kanilang pagpapakasal.

Nagtagumpay ang dalawa na ilihim ang kanilang engagement noong October 2020 na isinapubliko nila noong March 2021.

Pero hindi na maitatago nina Carla at Tom ang magaganap na kasalan sa October 23, dahil sa nag-viral na wedding bann.

Continue reading below ↓

Nagkataon lang na kasabay ng paglabas ng wedding bann nina Carla at Tom ang streaming sa Netflix ng No Boyfriend Since Birth, pero nakatulong ito para magkaroon ang publiko ng interes na panoorin ang kanilang six-year-old movie na kabilang ngayon sa Top 10 most watched movies at series sa Netflix Philippines.

Hindi na nagulat ang Regal Entertainment Inc. producer na si Roselle Monteverde nang malaman niyang trending sa Netflix Philippines ang No Boyfriend Since Birth dahil ganito rin ang nangyari sa mga nakaraang pelikula nila na ipinalabas sa Netflix.

Marami sa old movies ng Regal Entertainment Inc. ang nag-number one sa Netflix Philippines kaya nagkaroon na rin ang 59-year-old film outfit ng partnership sa YouTube.

Simula noong May 9 hanggang sa June 5, 2021, libreng mapapanood ng Pinoy movie enthusiasts sa Super Stream ng YouTube ang mga pelikula ng Regal Entertainment Inc., gaya ng Mama’s Girl, My 2 Mommies, Our Mighty Yaya, My Valentine Girls, Ang Leon at Tigre, I Think I’m In Love, When I Met You, at Aguinaldo: Agila ng Cagayan.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending sa Netflix Philippines ang No Boyfriend Since Birth movie nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Bago nito, nag-viral ang wedding bann ng dalawa.
PHOTO/S: Regal Films; Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results