Billy Crawford, may mensahe para sa mga bashers

by Jojo Gabinete
May 15, 2021
Sa bisperas ng kanyang ika-39 birthday, inilabas ng The Wall Philippines host na si Billy Crawford ang kanyang himutok laban sa mga kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang asawa kay Coleen Garcia, at bilang ama sa kanilang anak na si Amari.

Bukas, May 16, ang 39th birthday ni Billy Crawford kaya ang kanyang misis na si Coleen Garcia at ang kaibigan nitong si Ria Atayde ang naglaro sa Saturday night episode ng The Wall Philippines, ang game show niya sa TV5.

Bago nagsimula maglaro sina Coleen at Ria, ipinapanood muna kay Billy ang mga videotaped birthday greetings ng kanyang mga kaibigan na kinabibilangan ng isang pastor.

The Wall Philippines host Billy Crawford

Continue reading below ↓

Napaluha si Billy habang pinapanood ang mga mensahe ng mga kaibigan niya at nang mabigyan siya ng pagkakataong magsalita, lumabas ang kinikimkim na damdamin ng The Wall Philippines host.

“God really knows when He works and when He’s there. Thank you for all the blessings and all the wonderful words.

“I am not perfect. We are all judged and at the end of the day, nagkakamali lahat ng tao. This I speak on behalf of everyone because nakakarinig na rin ako ng...

"You know what, I’ve seen these, gusto ko lang i-ano. Since it’s my birthday, pagbigyan niyo na ako,” ang umpisang paglalabas ni Billy ng kanyang saloobin.

“I’ve seen these and this hurt me the most where mga sinasabi ng tao that I don’t deserve Amari [ang baby nila ni Coleen]; that you [Coleen] deserve someone better and that you should be with someone that could cater to our son.

Continue reading below ↓

"But ito lang ang gusto kong sabihin sa lahat: everyone that has been doubting me as a person and has said so many things about me and my family, listen, since favorite church namin ang nagpakilala sa inyo ngayon, I forgive you guys.

“God bless everyone and sana we all wake up and just accept that we are all sinners. Nagkakamali po tayo, but this day I will claim that God is with us, in our family,” ang sabi ni Billy na kung hindi pa nagsalita, hindi malalaman ng publiko na may mga kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang ama at asawa.

Postscript: Hindi nasayang ang paglalaro nina Coleen at Ria sa The Wall Philippines dahil nanalo sila ng PHP984,809.00 na napagkasunduan nilang ibigay sa charitable organization na kanilang napili.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa bisperas ng kanyang ika-39 birthday, inilabas ng The Wall Philippines host na si Billy Crawford ang kanyang himutok laban sa mga kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan bilang asawa kay Coleen Garcia, at bilang ama sa kanilang anak na si Amari.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results