Manny Halasan, walang sinisisi sa Rabiya Mateo headpiece controversy

by Jojo Gabinete
May 16, 2021
Headpiece designer Manny Halasan, walang sinisisi sa naging kontrobersiyal na national costume ni Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020 pageant: “Clear ko lang po, wala po akong sinisisi."
PHOTO/S: courtesy of Manny Halasan on Facebook; B-images

Umaani pa rin ng batikos ang fashion designer at jewelry maker na si Manny Halasan, ang creator ng hindi nagamit na headpiece ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Ito ay kahit pa dalawang araw na ang nakalilipas buhat nang maganap ang National Costume competition ng 69th edition ng Miss Universe sa Hollywood, Florida.

Continue reading below ↓

Napilitan si Manny na magpaliwanag para malaman ng mga bashers na wala siyang sinisisi kahit hindi ginamit sa National Costume competition ang headpiece at jewelry set na dalawang linggo niyang pinaghirapang ginawa at pinagpuyatan.

“Clear ko lang po, wala po akong sinisisi.

"Hindi ko po sinisisi ang Miss Universe Philippines Organization [MUPO] o si Rabiya,” ang sabi ni Manny sa mensahe na ipinadala niya sa Cabinet Files ngayong Linggo ng gabi, May 16, 2021.

“Ang sa akin po, para maintindihan ng bashers ang totoong nangyari at nangyayari, iyong situation po naming mga designer.

“For the record po, after the National Costume competition, tumawag si Albert Andrada [MUPO Design Council head] explaining and sincerely apologizing about what happened, na labis siyang nahihiya sa akin dahil sa nangyari.”

MANNY halasan CLEARS THE MISCONCEPTIONS

May misconception ang mga Pinoy beauty pageant aficionados na hindi nagamit ni Rabiya sa National Costume competition ng 69th Miss Universe ang headpiece na nilikha ni Manny dahil 15 kilos ang timbang nito.

Continue reading below ↓

Ayon kay Manny, less than three kilos ang timbang ng headpiece.

Bilang patunay, ipinakita niya sa pamamagitan ng video ang U-shaped open crown na adjustable sa anumang size at configuration.

Hindi rin kailangan ng clips para maisuot ang headpiece, na taliwas sa mga lumabas na balita na hindi ito sukat sa ulo ni Rabiya.

Continue reading below ↓

MANNY's efforts

Sa kabila ng maayos na paliwanag ni Manny, nakatanggap siya ng masasakit na salita mula sa mga pageant fans kaya nasaktan ito.

“Gusto ko lang naman na makatulong and i-share iyong talent ko, and ito iyong way ko para makapag-c ontribute sa candidate natin.

“Two weeks na pinaghirapan at pinagpuyatan, sariling budget and materials.

“Alam natin na pandemic kaya mahirap maglabas ng pera dahil wala naman po kaming tanggap na trabaho.

"Wala pong events, bukod pa sa mga bayarin namin sa upa ng puwesto, sahod ng mga tao at personal na gastusin na hindi naman po natigil nang mag-lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

“Tao rin po kami na may mga bayarin ngunit sa kagustuhan namin na sumuporta, kami po ay gumagawa ng paraan na maitawid ang kailangan, hindi dahil sa sariling interes kundi dahil ito po ang dahilan kaya kami designers—ang tumulong sa abot ng aming makakaya sa mga ganitong pagkakataon,” ang pahayag ni Manny na inakusahan na ilusyonado ng kanyang detractors.

Continue reading below ↓

"Hindi po ako ilusyonado na ma-consider para sa Miss Universe. Nangarap ako na makatrabaho ang isang Mr. Rocky Gathercole, pero hindi ko po isiniksik ang sarili ko.

“Kusa po akong tinawagan ng MUPO through Tito Albert Andrada na naniwala sa akin."

Si Gathercole ang pumanaw na international designer na gumawa ng Philippine flag-inspired national costume ni Rabiya]

“Walang may kasalanan and naiintindihan ko kung bakit hindi nagamit yung headpiece kasi gahol na at wala nang time para maayos iyon sa ulo niya, dahil ang sabi ay mabigat na ang costume kaya dapat kumportable na lang si Rabiya.”

LAST-MINUTE DECISION?

Nagsalita rin si Manny tungkol sa maling akala ng ibang mga tao na nasugatan si Rabiya sa National Costume competition dahil sa headpiece.

“Nasugatan siya not because of the jewelry and headpiece gaya po ng nasabi ni Ms. Shamcey Supsup-Lee [National Director ng MUPO].

“Nasugatan si Rabiya dahil sa very limited time. Kailangan niya na isalpak at isuot lahat ang costume.

Continue reading below ↓

"Yes, sinubukan at prinaktis po namin na isuot ang headdress bago ipinadala sa MUPO.

“Hanggang sa huli, bago lumabas si Rabiya sa stage, sinubukan pa rin niya na gamitin ang headpiece, ngunit hindi na kinaya pa na maisuot. Masakit, pero naiintindihan ko ang nangyari.”

MESSAGE FOR BASHERS

Nababahala at hindi maunawaan ni Manny ang mga batikos na ginagawa laban sa kanya, sa MUPO organization, at kay Rabiya, kaya may apela siya sa mga bashers.

“Isa lang naman ang gusto nating lahat, ang suportahan ang candidate natin. Wala tayong dapat pagtalunan o sisihin.

“Hindi ho madali na maging designer lalo na sa Pilipinas na maraming Pilipino ang nananakit sa kapwa Pilipino. Huwag naman po sanang ganoon.

“Hindi po ako ilusyonado. At lalong hindi ko po itinataas ang aking sarili.

"Ako po ay nagpapasalamat at nagkakasya sa kung anuman ang dumating sa akin ng kusa, iyan po ang itinuro sa akin ng aking Tatay Menong at Nanay Norma, pati ng aking ina na si Mama Elvie.

Continue reading below ↓

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Maraming salamat po sa mga nagpaabot ng suporta.

"Kayo po ang sapat na dahilan kaya kami nagpapatuloy sa aming ginagawa.”

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Headpiece designer Manny Halasan, walang sinisisi sa naging kontrobersiyal na national costume ni Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020 pageant: “Clear ko lang po, wala po akong sinisisi."
PHOTO/S: courtesy of Manny Halasan on Facebook; B-images
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results