Olivia Culpo pinagdiskitahan ng Pinoy pageant fans sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020

by Jojo Gabinete
May 17, 2021
Maliban sa matamlay na paghu-host ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa Miss Universe 2021, napagdiskitahan din siya ng ilang Pinoy pageant fans matapos mabigo ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo na makapasok sa Top 10 finalists.
PHOTO/S: Twitter

Si Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang co-host ni Mario Lopez sa coronation night ng 69th Miss Universe.

By now, alam na ni Olivia na ang mga Pilipino ang nanguna sa pagbatikos sa kanyang hosting stint na imposibleng hindi mabasa ng former beauty queen sa social media accounts niya.

Personal ang mga banat at panlalait ng mga Pilipino kay Olivia dahil naalaala nila na ang American football at baseball player na si Tim Tebow ang dating karelasyon ng ex-beauty queen.

Ang desisyon ni Tim na mapanatili ang kanyang virginity bago ikasal dahil sa kanyang religious beliefs ang sanhi ng breakup nila ni Olivia, ayon ito sa report ng New York Daily News at Los Angeles Times noong November 26, 2015.

Si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters ang pinakasalan ni Tim noong January 2020. Isa rin si Demi-Leigh sa mga anchor ng 69th Miss Universe kaya sumagi sa isip ng ilang Pinoy ang nakaraan ng kanyang asawa at ni Olivia.

Continue reading below ↓

Si Olivia ang napagdiskitahan ng iritasyon ng mga kababayan nating obsessed sa Miss Universe dahil hindi nakasama sa Top 10 candidates si Rabiya.

Ipinagpipilitan ng mapagbirong Pinoy na walang kasigla-sigla si Olivia sa hosting job nito dahil sa presence ni Demi, na pinakasalan ng kanyang ex-boyfriend.

Olivia Culpo, Demi-Leigh

Continue reading below ↓

Olivia Culpo (left) and Demi-Leigh Nel-Peters (right)

Walang Filipino blood si Tim pero may Filipino connection siya.

Isinilang si Tim sa Makati City noong August 14, 1987 dahil nagsilbi sa ating bansa bilang mga Baptist missionary ang kanyang mga magulang.

Tatlong taon na ang edad ni Tim nang lumipat sila ng kanyang pamilya sa Jacksonville, Florida.

Ang lahat ng ito ay nanumbalik sa isip ng mga Pinoy pageant fans dahil kay Olivia at sa matamlay na performance nito bilang co-host ng 69th Miss Universe.

JONAS GAFFUD

“Babawi tayo sa next edition [ng Miss Universe]. Thanks for the love.”

Ito naman ang pahayag ni Miss Universe Philippines Organization (MUPO) creative and events director Jonas Gaffud matapos hindi magkaroon ng puwesto sa 69th Miss Universe ang Philippine bet na si Rabiya Mateo.

Plano ni Jonas na magbakasyon grande dahil matagal na panahon ang ginawang paghahanda ng MUPO para sa paglaban ni Rabiya sa Miss Universe.

Continue reading below ↓

At press time, hindi pa nagkakausap sina Jonas at Rabiya kaya hindi pa niya alam ang balak ng Filipina candidate na pinalad namang makabilang sa Top 21 candidates.

Kasama ni Jonas sa coronation night ng Miss Universe 2020 si Shamcey Supsup-Lee, ang national director ng MUPO na lumipad sa Hollywood, Florida para magbigay ng moral support kay Rabiya.

Kasabay ng May 16 coronation night ng 69th Miss Universe ang 35th birthday ni Shamcey, na nagdiwang ng kaarawan na malayo sa kanyang pamilya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maliban sa matamlay na paghu-host ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa Miss Universe 2021, napagdiskitahan din siya ng ilang Pinoy pageant fans matapos mabigo ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo na makapasok sa Top 10 finalists.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results