Sunshine Guimary tiniyak na walang dapat ipagselos ang gf ni Jerald Napoles na si Kim Molina

by Jojo Gabinete
May 18, 2021
Sunshine Guimary on her sexy figure: “Walang sikreto! Kain, tulog lang!”
PHOTO/S: @sunshineguimary on Instagram

Nabahala ang unang reaksiyon ng bagong sexy star na si Sunshine Guimary nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa pag-amin ni Kim Molina na nagselos ito sa pagtatambal nila ni Jerald Napoles sa Kaka.

Si Jerald ang love interest ni Sunshine sa Kaka, na mag-uumpisa ang streaming sa VivaMax, ktk.ph, at iWantTFC sa May 28, 2021.

Sa digital media conference ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam noong May 12, hindi ipinagkaila ni Kim na naging isyu sa relasyon nila ng kanyang boyfriend ang Cebuana-based sexy star.

“Nag-worry ako pero naiintindihan ko si Kim,” sagot ni Sunshine sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong umaga, May 18.

Paniniguro niya, “Walang dapat pagselosan si Kim dahil may wall ako sa sarili ko at mataas ang respeto ko sa co-actors ko, lalo na kung alam ko na may partner sila.

“Okay naman kami. After ng work, as a sign of respect, hindi na ako nakikipag-communicate kay Jerald.”

Continue reading below ↓

Kahit nabahiran ng intriga at mga pagdududa ang pagsasama nila ni Jerald sa Kaka, bilib na bilib si Sunshine sa pagmamahal ng aktor sa propesyon nito.

“Hanga ako sa dedikasyon ni Jerald sa trabaho. Work is work talaga para sa kanya,” sabi ni Sunshine.

Inulit ng sext star ang pahayag niyang "work is work" nang hingin namin ang kanyang mensahe para kina Jerald at Kim.

Aniya, “Work is work. I respect you guys. I love you both.”

SUNSHINE'S SECRET

Sinamantala na rin namin ang pagkakataon para itanong kay Sunshine ang sikreto ng pagkakaroon niya ng magandang katawan.

Isa si Vice Ganda sa mga pumupuri sa kakaibang hugis ng katawan ni Sunshine na pinaghihinalaang nagpabawas ng tadyang tulad ng Mexican singer-actress na si Thalia.

“Umamin” si Thalia noong August 2014 tungkol sa pinagdaanang rib removal surgery para magkaroon ng maliit na beywang.

“Walang sikreto! Kain, tulog lang!” natatawa sagot ni Sunshine tungkol sa comparison sa seksing pangangatawan nila ni Thalia.

Continue reading below ↓

Postscript: Marami ang hindi makapaniwalang puwedeng magpatanggal ng tadyang ang mga kababaihan para magkaroon ng maliit na beywang pero “pinatotohanan” ito ni Thalia.

Naka-post sa Instagram account ni Thalia ang litrato ng kanyang ribs na nakalagay sa bote at may caption na: "To all my loving Filipino fans, here is the proof I love (love) My Famous Ribs, I kept them with me all these years."

Pero isang araw matapos ang pag-amin, ipinagtapat ng Mexican superstar na prank lamang ang ginawa niya.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary on her sexy figure: “Walang sikreto! Kain, tulog lang!”
PHOTO/S: @sunshineguimary on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results