Marco Gumabao nagpaliwanag tungkol sa pool challenge prank matapos makatanggap ng matinding pamba-bash

by Jojo Gabinete
May 18, 2021
Marco Gumabao to bashers: “Kayong mga basher, since we’re all behind the keyboard, hindi natin inihaharap yung mukha natin sa tao na bina-bash natin. Ang tapang natin behind the keyboard."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Di Na Muli ang pamagat ng TV series na pinagbibidahan nina Marco Gumabao at Julia Barretto.

Isang buwan ang lock–in taping ng dalawa para sa drama series na mula sa direksiyon ni Andoy Ranay at ipalalabas sa TV5.

Bago pumasok si Marco sa lock-in taping ng Di Na Muli, gumawa muna siya ng clarification vlog dahil ipinaliwanag niya ang totoong nangyari sa kontrobersiyal na collaboration vlog nila ni Donnalyn Bartolome, Tekla, Donita Nose, Asian Cutie, at Mica Salamanca.

Ito ang "Last to Leave the Pool challenge" na may premyong isang milyong piso.

Ipinagtapat ni Marco na idea nito na “i-prank” si Donnalyn, pero hindi niya inaasahan ang matitinding batikos na matatanggap nila ni Tekla mula sa netizens.

“Grabe ang bashing!” reaksiyon ni Marco.

Naranasan ni Marco na tawaging "gipit" at "mukhang pera" dahil kinuwestiyon niya kunwari ang rules o panuntunan ni Donnalyn para sa "Last to Leave the Pool challenge."

Continue reading below ↓

Mahinahong paliwanag at depensa ni Marco sa sarili, “To cut the long story short, everyone was saying pikon ako. I don’t know how to accept defeat.

“C’mon guys, do you honestly think na sasayangin ko lahat ng pinaghirapan ko ten years ko sa showbiz?

“Sasayangin ko ba yung pinaghirapan ko for ten years for one million pesos? No!

“Hindi po ako ganoon. Hindi po ako mukhang pera. Hindi ko sisirain ang sarili ko for one million pesos. It’s just not worth it.

“Why did I do this vlog? I have friends saying na parang, ‘Marco, you don’t have to do it?’

“Pero sa akin lang, I wanted to do it because I wanted to prank everyone.

"Now na nakapag-prank na ako ng isang malupit, feeling ko, this won't be the last so maghahanda kayong lahat diyan. Baka kayo na ang next victim ko."

ONLINE BULLYING

Nagsalita rin si Marco tungkol sa online bullying na natanggap nila ni Tekla, kasama ang pakiusap sa bashers na maging sensitibo sa pakiramdam ng ibang mga tao.

Continue reading below ↓

“Sa totoo lang, kaya kong tanggapin lahat ng pamba-bash, lahat ng comments about me because sanay na ako diyan.

"At the same time, I knew it was a prank.

“So, sa lahat ng bashers, sa lahat ng nang-bash sa akin, I just want to say I forgive you all.

“Next time, let’s just be more sensitive to the feelings of other people.

“Kayong mga basher, since we’re all behind the keyboard, hindi natin inihaharap yung mukha natin sa tao na bina-bash natin. Ang tapang natin behind the keyboard."

Dagdag pa ni Marco, "But guys, ito na lang ang isipin niyo, whenever you’re typing, always think na this person is right in front of you.

“Don’t think that you’re protected behind your phone, behind your screen, behind your laptop, your computer.

“Isipin niyo yung totoong tao ang bina-bash niyo, kaharap niyo siya.

“Hindi niyo alam, pero lahat kaming artista, you think hindi namin binabasa yung comments niyo, but we do.

Continue reading below ↓

“We just don’t reply to every comment but we read everything, all the good tweets, all the bad tweets. We see everything.

“Ako, I just want to raise awareness na we should all spread love. Mag-ingat tayo sa ipino-post natin, sa kino-comment natin sa mga tao.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao to bashers: “Kayong mga basher, since we’re all behind the keyboard, hindi natin inihaharap yung mukha natin sa tao na bina-bash natin. Ang tapang natin behind the keyboard."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results