John Lloyd Cruz at Paolo Contis, di pa madalaw si Caridad Sanchez dahil wala pang COVID vaccine ang veteran actress

by Jojo Gabinete
May 20, 2021
Paolo Contis (right) on veteran actress Caridad Sanchez: "In Tabing Ilog, sobrang parang lola talaga namin siya. We always make fun of her kasi she drives her own car going to Pagsanjan, Laguna, ang location namin. Medyo mabagal siya mag-drive so kapag ma-traffic going sa location, inaasar namin siya na siya siguro yung cause ng traffic."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Hindi pa mangyayari sa lalong madaling panahon ang plano nina John Lloyd Cruz at Paolo Contis na dalawin ang veteran actress na si Caridad Sanchez sa tahanan nito sa White Plains, Quezon City.

Hindi pa natuturukan si Caridad ng COVID-19 vaccine. Para sa kaligtasan ng bawat isa, ipinagpaliban muna nina John Lloyd at Paolo ang balak na pagbisita sa veteran actress.

Nagkatrabaho ang tatlo sa Tabing Ilog, ang teen drama series ng ABS-CBN na napanood mula March 14, 1999 hanggang October 19, 2003.

Ang makita at makausap nang personal si John Lloyd ang hiling ni Caridad noong nakaraang taon dahil matagal na siyang walang komunikasyon sa aktor na gumanap bilang apo niya sa Tabing Ilog.

Nakarating kay John Lloyd ang kahilingan ni Caridad kaya nagplano sila ni Paolo na bisitahin ang veteran actress. Pero hindi pa ito magkakaroon ng katuparan hangga’t walang COVID-19 vaccine ang huli.

"Lloydie [John Lloyd] told me nga na hindi pa puwede. I think kausap niya ang anak ni Lola Caridad.

Continue reading below ↓

"We’re planning to visit Lola kapag safe na for her to accept visitors, of course. Anytime naman, ready kami to visit her," sabi ni Paolo nang makausap ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng gabi, May 20.

Parang tunay na lola ang trato ni Paolo kay Caridad dahil sa kanilang matagal na pagsasama sa Tabing Ilog kaya marami siyang masasaya at magagandang alaala.

Kuwento ng Kapuso actor, "In Tabing Ilog, sobrang parang lola talaga namin siya. We always make fun of her kasi she drives her own car going to Pagsanjan, Laguna, ang location namin.

"Medyo mabagal siya mag-drive so kapag ma-traffic going sa location, inaasar namin siya na siya siguro yung cause ng traffic.

"Pero sobrang astig niya kasi she drives pa rin kahit malayo ang lugar ng taping namin.

"Ako lang din ang puwedeng tumawag sa kanya ng Caridad sa buong cast! As in walang Lola, ha?

"Kapag dumarating ako sa set, sisigaw na ako ng 'Caridad!' Tuwang tuwa siya kasi she feels young daw!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (right) on veteran actress Caridad Sanchez: "In Tabing Ilog, sobrang parang lola talaga namin siya. We always make fun of her kasi she drives her own car going to Pagsanjan, Laguna, ang location namin. Medyo mabagal siya mag-drive so kapag ma-traffic going sa location, inaasar namin siya na siya siguro yung cause ng traffic."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results