Vice Ganda, ayaw gumawa ng "pito-pito" movies ngayong may pandemya

by Jojo Gabinete
May 20, 2021
Vice Ganda on considering to take a leave from It's Showtime: "Yung Showtime nga, there was a time magbe-beg off sana ako na baka hindi muna ako papasok. Hindi muna ako sasali ngayong cycle. Pero nag-isip ako, kapag ginawa ko ‘yon, hindi rin papasok yung mga kasamahan ko. So, kapag ginawa namin ‘yon, anong mangyayari sa programa, di ba?"
PHOTO/S: @viceganda on Instagram

Sariling desisyon ni Vice Ganda na huwag gumawa ng pelikula habang may pandemya dahil ayaw niya ng mga pito-pito project.

"Pito-pito" ang tawag sa mga pelikula na nauso noong dekada ’90 dahil tumatagal lamang ng pito hanggang sampung araw ang shooting ng bawat proyekto at ito ang iniiwasan ni Vice.

“Kung maayos lang ang sitwasyon, nakagawa na dapat tayo, di ba? Gigil na gigil na rin kami nina Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer] na gumawa ng pelikula. Kahit ang Star Cinema, gigil na gigil na kami.

“May mga naplano na kami, nakailang creative meetings na kami, ang dami nang nabuo. Pero dahil sa ganitong sitwasyon, paano kami makakapag-shooting?

“Ayoko naman ng shooting na lock-in na one week tapos tapos na yung pelikula.

“Di ba, nakakapito-pito? Sabi ko, nooo! Ayoko ng mga ganyan.

"Kahit sila din naman, hindi papayag ang Star at ang Viva na ganoong klaseng project lang.

Continue reading below ↓

"Kailangan unkabogable, hindi puwedeng pucho-pucho," pahayag ni Vice tungkol sa kanyang pasyang ipagpaliban muna ang paggawa ng pelikula hangga’t hindi pa normal ang sitwasyon dahil sa coronavirus pandemic.

AFRAID TO GO OUT

Bukod sa ayaw niyang gumawa ng mga pelikulang minamadali, inamin ni Vice na takot na takot siyang lumabas ng bahay dahil sa mataas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ikinuwento ni Vice na lumalabas lamang siya ng bahay para sa live broadcast ng It’s Showtime, ang kanyang Monday to Saturday noontime show sa ABS-CBN.

Saad niya, "Hindi talaga ako lumalabas, as in takot na takot na takot ako.

"Hindi talaga ako lumalabas at all, Showtime lang ang inilalabas ko.

"Yung Showtime nga, there was a time magbe-beg off sana ako na baka hindi muna ako papasok. Hindi muna ako sasali ngayong cycle.

"Pero nag-isip ako, kapag ginawa ko ‘yon, hindi rin papasok yung mga kasamahan ko.

"So, kapag ginawa namin ‘yon, anong mangyayari sa programa, di ba?

Continue reading below ↓

"Mahal na mahal ko yung programang ‘yon. Kailangan ko din i-consider kung ano yung kahihinatnan para sa programa.

"We made a compromise, 'Sige, pasok tayo pero ganito dapat kahigpit.' Every day, swab kami sa Showtime as in every day, PCR.

"Kapag walang Showtime, hindi talaga ako lumalabas unless may mahalagang dahilan para lumabas.

"Nung isang araw, yun lang ang kaisa-isang pagkakataong lumabas ako bukod sa Showtime.

"Nung nagpunta ako sa Belo kasi kailangan ko na talagang i-prepare yung mukha ko para sa concert. Para maganda ako, in two months time"

Ang Gandemic: The VG-Tal Community Party ang concert na tinutukoy ni Vice.

Ang pagpapaganda sa sarili ang isa sa mga paghahandang ginagawa ni Vice para sa kanyang digital concert sa July 17, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on considering to take a leave from It's Showtime: "Yung Showtime nga, there was a time magbe-beg off sana ako na baka hindi muna ako papasok. Hindi muna ako sasali ngayong cycle. Pero nag-isip ako, kapag ginawa ko ‘yon, hindi rin papasok yung mga kasamahan ko. So, kapag ginawa namin ‘yon, anong mangyayari sa programa, di ba?"
PHOTO/S: @viceganda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results