Tapatang Dindi at Ruffa, may Round 2 sa Miss World Philippines 2021

by Jojo Gabinete
May 21, 2021
Kung sina Dindi Gallardo (dulong kaliwa) at Ruffa Gutierrez (pangalawa sa kaliwa) ay naging mahigpit na magkatunggali sa Binibining Pilipinas 1993, sina Dindi Pajares (pangalawa sa kanan) at Ruffa Nava (dulong kanan) ay nangangarap namang sundan ang kanilang yapak sa pamamagitan ng pagsali sa Miss World Philippines 2021.
PHOTO/S: Bb. Pilipinas / Jojo Gabinete / MWP

Isang former Miss Manila at isang dating runner-up sa Miss Manila ang kabilang sa 45 official candidates ng Miss World Philippines 2021.

Nakatakda ang coronation night ng Miss World Philippines 2021 sa July 11.

Sina Miss Manila 2018 Kathleen Paton at Miss Manila 2016 second runner-up Ganiel Krishnan ang dalawa sa mga nangangarap makuha ang karapatang maging kinatawan ng ating bansa sa 70th Miss World.

Gaganpin ang grand coronation ng Miss World sa December 16, 2021 sa San Juan, Puerto Rico.

Parehong may koneksiyon sa showbiz sina Kathleen at Ganiel dahil naranasan na nilang umarte sa harap ng kamera.

Napanood si Kathleen sa mga pelikulang Through Night and Day at On Vodka, Beers and Regrets.

Pero mas natatandaan ng ibang mga tao ang short-lived love affair nila ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio.

Miss World Philippines Kathleen Paton

Continue reading below ↓

Ang Oh My G! ng ABS-CBN ang isa sa mga television appearance ni Ganiel na higit kilala bilang showbiz news reporter ng TV Patrol.

Si Ganiel ang itinanghal na Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific noong July 2016.

Miss World Philippines Ganiel Krishnan

Kasama rin sa official candidates ng Miss World Philippines 2021 ang singer-actress na si Emmanuelle Vera, na nabigyan noon ng bit roles sa Wildflower at 100 Days to Heaven ng ABS-CBN at sa The Stepdaughters at Magpakailanman ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Miss World Philippines Emanuelle Vera

DINDI VS RUFFA ROUND 2

Mga official candidates din sa Miss World Philippines 2021 sina Dindi Pajares at Ruffa Nava.

Unang sumali si Dindi sa 54th Binibining Pilipinas noong 2017 pero hindi siya pinalad manalo.

Miss World Philippines Dindi Pajares

Continue reading below ↓

Si Ruffa ay sumali sa Miss World Philippines noong 2014 at hindi rin siya naging masuwerte.

Miss World Philippines Ruffa Neva

Ang inclusion nina Dindi at Ruffa sa official candidates sa Miss World Philippines 2021 ay magpapaalala sa Pinoy pageant enthusiasts tungkol sa mahigpit na kumpetisyon nina Dindi Gallardo at Ruffa Gutierrez sa 30th Binibining Pilipinas noong March 1993.

Continue reading below ↓

Ang coronation night ng Binibining Pilipinas 1993 ang isa sa mga pinakakontrobersiyal at pinakamaingay dahil si Ruffa ang pinapaborang manalo ng Bb. Pilipinas-Universe crown, pero si Dindi ang nagwagi ng nasabing titulo.

Binibining Pilipinas 1993 winners

Binibining Pilipinas 1993 winners

Gumawa noon ng kasaysayan ang Binibining Pilipinas 1993 dahil napuno ng manonood ang Araneta Coliseum na bihirang mangyari para sa isang beauty pageant show, at dumagundong noon ang Big Dome sa malakas na pagsigaw nila sa pangalan ni Ruffa.

Continue reading below ↓

Hindi man nakuha ni Ruffa ang pinakaaasam na beauty title, siya ang itinanghal na Bb. Pilipinas-World 1993 winner.

Hindi nagkamali ang mga hurado sa pagpili sa kanya dahil hinirang ang aktres na Second Princess sa 43rd Miss World na idinaos noong November 27, 1993 sa Sun City, South Africa.

Twenty-eight years later, muling mauulit ang tagisan nina Dindi at Ruffa sa isang beauty pageant. Pero mga kapangalan lamang sila ng dalawang beauty queen-actress na nag-aambisyon ding magkaroon ng beauty title.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung sina Dindi Gallardo (dulong kaliwa) at Ruffa Gutierrez (pangalawa sa kaliwa) ay naging mahigpit na magkatunggali sa Binibining Pilipinas 1993, sina Dindi Pajares (pangalawa sa kanan) at Ruffa Nava (dulong kanan) ay nangangarap namang sundan ang kanilang yapak sa pamamagitan ng pagsali sa Miss World Philippines 2021.
PHOTO/S: Bb. Pilipinas / Jojo Gabinete / MWP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results