Yassi Pressman sinabi ang dahilan ng pag-alis sa Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
May 25, 2021
Yassi Pressman was chosen to be the host of the game show Rolling In It which will be aired on TV5. She said, "For me it’s such a big challenge but more than anything, excited na excited na ako na mapasaya yung mga contestant natin at mapasaya ko yung viewers."

Opisyal na ipinakilala ng TV5, Cignal, at Viva Television si Yassi Pressman bilang host ng Rolling In It, ang game show na magsisimulang mapanood sa June 5, 2021.

Naganap ang digital press conference ng Rolling In It ngayong Martes ng umaga, May 25.

Dito ikinuwento ni Yassi na number one sa United Kingdom ang pinakabagong game show na nagsimula noong August 8, 2020.

Personal choice si Yassi ng Rolling In It UK creators para maging host ng Philippine version ng game show, at ito ang kanyang unang programa matapos magpaalam sa Ang Probinsyano ang karakter niya noong January 2021.

Itinuturing ni Yassi na isa mga risk na ginawa niya ang pag-alis sa Ang Probinsyano makalipas ang limang taon.

Ang "schedule" ang sinabi ni Yassi na dahilan ng kanyang desisyong iwanan ang longest-running at top-rating action drama series ng ABS-CBN.

“That happened din po kasi because of schedule.

"Dahil mahirap na rin po ituloy yung lock-in kaya po sobrang thankful ako sa Dreamscape [Ang Probinsyano producer], sa ABS-CBN, all of my bosses, especially kay Coco [Martin] na gumawa ng script at nangako siyang magkakaroon ng magandang exit si Alyana.

Continue reading below ↓

“I appreciate it, his appreciation na I just really appreciate that he appreciated me and yung impact ni Alyana sa kuwento.

"Sana po patuloy niyo silang suportahan, Ang Probinsyano, every week night po 'yan dito rin po TV5.”

FIRST HOSTING JOB

Ang Rolling In It Philippines ang unang hosting job ni Yassi sa telebisyon.

Nagpasalamat siya sa pointers na ibinigay ng Kapamilya host na si Robi Domingo dahil hindi na siya nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng workshop para sa bagong chapter ng kanyang showbiz career.

“He called me, binigyan pa niya ako ng napakaraming pointers and then he said, ‘Just go, Yas, just be yourself. Just have fun.’

“May mga nakakatawa pa siyang sinabi pero hindi ko na po ‘yon ikukuwento, but thank you Robi,” sabi ni Yassi.

Hindi lamang si Robi ang pinasalamatan ni Yassi dahil nagpasalamat din siya sa malaking tiwala sa kanya ng mga producer ng Rolling In It.

Continue reading below ↓

“Thank you Rolling In It UK, Rolling In It Philippines, maraming-maraming salamat. I wanna say thank you to TV5, Cignal, everybody po.

“Thank you for trusting me. It’s an honor to be here.

"For me it’s such a big challenge but more than anything, excited na excited na ako na mapasaya yung mga contestant natin at mapasaya ko yung viewers."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman was chosen to be the host of the game show Rolling In It which will be aired on TV5. She said, "For me it’s such a big challenge but more than anything, excited na excited na ako na mapasaya yung mga contestant natin at mapasaya ko yung viewers."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results