Watch Now

Sunshine Guimary, di lang mandirigma sa kama kundi bandida rin sa hubaran

by Jojo Gabinete
May 26, 2021
Excited na si Sunshine Guimary na mapanood ang kanyang launching movie na Kaka dahil gustung-gusto na nitong makita ang pinaghirapan niya.
PHOTO/S: @sunshineguimary on Instagram

Nagkaroon ng special streaming ang ktx.ph para sa Kaka, ang launching movie ng baguhang sexy actress na si Sunshine Guimary, noong Martes ng gabi, May 25.

Masuwerte si Sunshine dahil bida agad siya sa kanyang unang movie project.

R-18 ang classification sa Kaka ng streaming sites na ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at VivaMax dahil sa mga maseselang eksena ng nabanggit na sexy-comedy movie.

Pinatunayan ni Sunshine na hindi lamang ito mandirigma sa kama, dahil bandida rin siya sa pagpapakita ng hubad na katawan.

May breast at butt exposure si Sunshine sa Kaka.

Pero kahit baguhan at walang acting experience, ipinakita ng dalaga na hindi lamang sa paghuhubad ang kanyang talent dahil may lalim din ang pag-arte niya.

Natuklasan ng Viva Films si Sunshine dahil sa sexy photos nito sa kanyang Instagram account na meron nang 1.4 million followers.

Nakatulong ang sexy pictorial niya para maging kumportable siya sa harap ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalong lumitaw ang kaseksihan ni Sunshine sa Kaka dahil sa titillating dialogues niya gaya ng "pumalakpak ang paa ko sa sarap" at "religious ang pamilya" nila ng kanyang lola (Gina Pareño) at ina (Rosanna Roces) dahil lumuluhod sila.

May special participation sa Kaka sina Ai-Ai delas Alas, Janine Teñoso, Marion Aunor, Ronnie Liang, Andrea del Rosario, Sheree Bautista, at Josef Elizalde.

Ginamit na soundtrack sa Kaka ang mga kanta nina Janine, Marion, at Ronnie pero may kakaibang twist dahil kasama rin sila sa mga eksena habang umaawit sila.

Hindi pa napapanood ni Sunshine ang Kaka kaya excited na siya sa streaming na nagsimula noong Biyernes, May 28.

Isang kaibigan ni Sunshine ang nagsabing hindi mapakali ang Cebuana-based sexy star dahil gustung-gusto na nitong makita ang resulta ng kanyang mga pinaghirapan.

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excited na si Sunshine Guimary na mapanood ang kanyang launching movie na Kaka dahil gustung-gusto na nitong makita ang pinaghirapan niya.
PHOTO/S: @sunshineguimary on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results