Cindy Miranda naniniwalang swak sa showbiz si Rabiya Mateo dahil sa pagpapakatotoo nito

by Jojo Gabinete
May 27, 2021
Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (right): "Feeling ko, totoong-totoo na tao siya. So I feel na kapag pumasok siya sa showbiz, puwede niyang i-apply. Kasi to me, ang pag-arte, kailangan ng honesty."
PHOTO/S: @cindy / @claudevillahrmsa Instagram

Tiniyak ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na susubukan niya ang showbiz sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, matapos lumaban sa 69th Miss Universe sa Hollywood, Florida, noong May 16, 2021.

Nabanggit sa mga interbyu ni Rabiya ang hilig nito sa pag-arte.

Kahit hindi pa pumapasok sa showbiz, "showbiz na showbiz" na ang mga isyung kanyang kinasasangkutan, tulad ng pagkakaugnay ng pangalan niya sa former Pinoy Big Brother Otso housemate na si Andre Brouillette.

Taglay ni Rabiya ang mga katangian para mapansin sa local entertainment industry dahil typical millennial siyang aktibong-aktibo sa social media at hindi nawawalan ng opinyon sa mga isyu.

Kung saka-sakali, isa lamang si Rabiya sa mga napakaraming beauty queen na naging artista dahil sa kanilang mga beauty title, gaya nina Pilar Pilapil, Elizabeth Oropesa, Gloria Diaz, Margie Moran, at Melanie Marquez.

Sumabak din sa showbiz sina Maria Isabel Lopez, Chat Silayan, Alice Dixson, Anjanette Abayari, Dindi Gallardo, Jenette Fernando, Charlene Gonzalez, at Alma Concepcion.

Continue reading below ↓

Ang beauty queens na sina Aileen Damiles, Daisy Reyes, Miriam Quiambao, Nina Ricci Alagao, Lara Quigaman, Kylie Verzosa, at Cindy Miranda ay pumasok din sa showbiz.

Si Cindy Miranda ang Bb. Pilipinas-Tourism winner noong 2013, at isa siya sa mga unang nagpakita ng suporta sa plano ni Rabiya na pagpasok sa Philippine show business.

"Unang-una, gusto ko po siyang i-congratulate. Ang galing niya, pinanood ko talaga yung Miss Universe, sobrang proud ako sa kanya.

"And yung pagsali niya sa showbiz ay hindi nakakagulat kasi napakaganda naman niya talaga, at yung karisma niya, malakas," sabi ni Cindy nang tanungin ito sa story conference ng Nerisa tungkol sa balak na pag-aartista ni Rabiya.

"Saka ang ganda niya sa pictures niya, sa videos niya. Nakakatuwa siya kasi ang feeling ko, totoong-totoong tao siya.

"So, I feel na kapag pumasok siya sa showbiz, puwede niyang i-apply. Kasi to me, ang pag-arte, kailangan ng honesty.

Continue reading below ↓

"Kasi kilala ang mga beauty queen na dapat maganda ka palagi. You pretend to be okay even if you’re not. Kailangan maganda ka palagi even if you don’t feel [beautiful] inside. Yun kasi ang training sa amin dati.

"Nasa kontrata namin before na hindi ka puwedeng lumabas na hindi naka-makeup."

Ang kanyang beauty title noong 2013 ang instrumento kaya naging artista si Cindy.

MORE THAN JUST A PRETTY FACE

Tahasang nagsalita si Cindy na hindi lamang pang-display ang mga beauty queen dahil matatalino rin sila.

"Ngayon, nakakatuwa na maraming mga beauty queen na sumali sa beauty pageants ang gustong mag-artista. Ang mga beauty queen, hindi lang maganda, hindi lang pang-display.

"I think more than anything else, very talented, very smart, very witty ang mga beauty queen. Kaya nga sila mga beauty queen kasi [total] package.

"So, nakakatuwa na marami talaga ang gustong mag-showbiz, and I think meron talagang lugar sa showbiz ang mga beauty queen."

Continue reading below ↓

Postscript: Ang Nerisa ang bagong pelikulang pagbibidahan ni Cindy na nagmarka nang husto sa kanyang lesbian role sa 2019 erotic psycho-thriller movie na Adan.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (right): "Feeling ko, totoong-totoo na tao siya. So I feel na kapag pumasok siya sa showbiz, puwede niyang i-apply. Kasi to me, ang pag-arte, kailangan ng honesty."
PHOTO/S: @cindy / @claudevillahrmsa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results