Joaquin Domagoso, bida na sa pelikula

by Jojo Gabinete
May 29, 2021
Joaquin Domagoso, excited nang magbida sa kanyang debut movie, ang Caught in the Act, sa ilalim ng MPJ Entertainment Productions at Golden Brilliance.

Bida na sa pelikula ang anak ni Manila City Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso dahil ito ang lead actor sa Caught in the Act, ang comedy mystery crime adventure movie ng MPJ Entertainment Productions at Golden Brilliance.

Si Perry Escaño ang direktor ng pelikula na magsisimula ang lock-in shoot sa June 9, at handang-handa na si Joaquin na nasanay sa lock-in taping ng First Yaya, ang unang television series niya sa GMA-7.

Naganap ngayong Sabado ng hapon ang virtual media conference ng Caught in the Act at ang life lessons mula sa kanyang ama tungkol sa pagpasok niya sa showbiz ang isa sa mga itinanong kay Joaquin.

“Just listen, that’s the most basic and easiest thing to do, especially to your director lalung-lalo na to your co-actors" at “If you want tomorrow to change, you gotta do something today,” ang sagot ni Joaquin na hindi natatakot na manatili sa anino ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

Hindi siya kagaya ni Jimuel Pacquiao, ang anak ni Senator Manny Pacquiao, na nag-aartista rin na minsan nang nagsabing “I can be outside of the shadow of my dad for the first time” nang pumasok siya sa showbiz.

“If yung focus ko is to be out of the shadow of my dad, hindi ko masyadong ma-e-enjoy yung showbiz ‘coz that’s a hard shadow to get out of.

“His shadow is so big because he have so much people and why should I be afraid to be of that shadow?” ang opinyon ni Joaquin na gustong makatrabaho si Jimuel dahil anak ito ng Pambansang Kamao, pero hindi pabor na magkaroon sila ng rivalry.

At any rate, excited na si Joaquin sa nalalapit na pag-uumpisa ng lock-in shooting ng Caught in the Act dahil magagamit niya ang kanyang mga natutunan sa taping ng First Yaya.

“I’m happy, excited because compared sa past role ko sa First Yaya, this role I’m tackling, medyo may quirkiness iyong character ko like medyo makulit talaga. I’m excited to work on my character.”

Continue reading below ↓

Incidentally, umaasa si Joaquin na magkakaroon ng extension o Book 2 ang First Yaya na malapit nang magwakas.

“I hope there will be an extension na Book 2. As of the moment, we finished Book 1 but it will be announced when the show ends, if there would be a continuation.

"So, prayers,” ani Joaquin.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso, excited nang magbida sa kanyang debut movie, ang Caught in the Act, sa ilalim ng MPJ Entertainment Productions at Golden Brilliance.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results