Sharon Cuneta, ipinaliwanag kung bakit di natuloy sa Jo Koy movie

by Jojo Gabinete
May 29, 2021
Sharon Cuneta, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit hindi na siya makakasama sa cast ng Easter Sunday, ang Hollywood movie na hango sa life story ng Fil-Am comedian na si Jo Koy.
PHOTO/S: Instagram: @jokoy / @reallysharoncuneta

Ang award-winning American movie producer at director na si Steven Spielberg ang isa sa mga founder ng Amblin Partners, ang entertainment company na producer ng Easter Sunday, ang pelikula tungkol sa buhay at mga karanasan ng popular Filipino-American stand-up comic na si Joseph Glenn Herbert, na mas kilala sa kanyang screen name na Jo Koy.

Ilang araw nang nababanggit ang pangalan ni Spielberg sa mga local entertainment news site dahil sa rebelasyon ni Sharon Cuneta na hindi natuloy ang partisipasyon niya bilang Tita Theresa sa Easter Sunday dahil sa maling resulta ng COVID-19 swab test sa kanya noong nakaraang buwan.

Isang US-based Filipino na insider sa mga nangyayari sa Hollywood ang nakausap ng Cabinet Files, at siya ang nagkuwento sa Cabinet Files sa ilang mga impormasyong nalalaman niya tungkol sa Easter Sunday.

“Ang Amblin Partners ni Steven ang producer ng Easter Sunday pero hindi siya ang makikipag-meeting kay Sharon dahil may mga casting director na pipili sa artista.

Continue reading below ↓

“Si Steven ang isa sa mga founder ng Amblin Partners. Siya ang chairman at distributor.

“Halimbawa, si Brad Pitt, ang pangalan ng production company niya is Plan B Entertainment. Usually, nagha-hire sila ng production company para mangasiwa sa production pero hindi sila directly involved.

“Sina Jo Koy, Joe Meloche, Ken Cheng, Jessica Gao, Jimmy Yang at Nick Reynolds ang executive producers ng Easter Sunday. Producers naman sina Dan Lin at Jonathan Eirich,” ang paliwanag sa Cabinet Files ng Filipino Hollywood insider tungkol sa involvement ni Steven sa proyekto na nawala kay Sharon at iniyakan nito.

EASTER SUNDAY NOT AN ALL-FILIPINO PRODUCTION

Nakasaad sa report ng The Hollywood Reporter noong April 27, 2021 na ang Easter Sunday ang kauna-unahang all-Filipino production pero kinontra ito ng aming kausap.

Paglinaw ng aming source, “Hindi totoo na first time na all-Filipino production ang Easter Sunday dahil Middle Eastern man si Asif Alif, isa sa mga gaganap na uncle ni Jo Koy. Hindi siya Pilipino.

“Si Michael Weaver, puti siya. Iyong gaganap na female director, si Enid-Raye Adams at iyong gaganap na accountant, si Michael Jonsson, hindi naman sila mga Pilipino.

“Yvonne, Theresa, at Regina ang pangalan ng mga tita character sa Easter Sunday. Meron din Tito Arthur at Tito Manny.

“Yung Tita Theresa is in her 60’s. Strong-willed at short-tempered ang karakter niya at gagampanan siya ni Tia Carrere.

“Tita Theresa ang dapat na role niya na napunta kay Tia Carrere ang sinasabi ni Sharon. Ang role is 60-years old, tiya ni Jo Koy at nagsasalita siya ng Tagalog.

Easter Sunday ang title ng pelikula dahil tungkol ito sa gathering ng isang pamilya at mga tiya na magkakaaway.”

SHARON EXPLAINS HOW SHE LOST THE ROLE

Sa Instagram live niya kahapon, May 28, detalyado na ikinuwento ni Sharon ang pagkawala sa kanya ng project pero nagkamali siya sa pagbanggit sa mga petsa kaya may mga nalito sa kanyang mga pahayag.

Continue reading below ↓

“Dapat umalis ako ng May 18 to fly to LA and then the very next day, fly to Canada kung saan ang shooting. E, sa Canada, may two-week quarantine at ang umpisa ng shooting namin ay dapat May 3, I think or something," ang sabi ni Sharon pero imbes na April 18, May 18 ang petsa na nasabi niya sa kanyang IG Live.

Hindi natuloy ang paglipad ni Sharon papunta sa Los Angeles noong April 18 dahil sa maling resulta ng COVID-19 swab test sa kanya noong April 16.

Lumabas sa unang test kay Sharon na positive ito sa COVID-19 kaya para makatiyak, pitong beses siyang sumailalim sa swab test at negative ang lahat ng mga resulta.

Pero naapektuhan na nito ang schedule ng kanyang pag-alis papunta sa Amerika para sa shooting ng Easter Sunday.

Sadyang na-depress si Sharon sa nangyari dahil si Jo Koy pala mismo ang pumili sa kanya para gumanap para sa role ni Tita Theresa.

Continue reading below ↓

“So my role as Tita Theresa went to Tia Carrere. She’s half-Filipino so she got my role, she already had a role in the movie and when I couldn’t make it, she got the other lead role and I’m glad she did, but it broke my heart.

"It really did because it was such an honor to be in the very first all-Filipino production in Hollywood backed by a producer as big as Steven Spielberg,” ang may panghihinayang na pahayag ni Sharon kaya sa exclusive report ng The Hollywood Reporter noong April 27, 2021, opisyal na inanusyo ng mga producer ng Easter Sunday na si Tia Carrere na ang gaganap bilang Tita Theresa.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa The Hollywood Reporter, “Tia Carrere, along with Eugene Cordero of Star Trek: Lower Decks and WandaVision actor Asif Ali, have joined the cast of Easter Sunday, Amblin Partners’ family comedy starring Jo Koy.

“Jay Chandrasekhar, the director of cult comedy Super Troopers who in recent years has been working on TV’s The Goldbergs and Fresh Off the Boat, is helming the feature, which is casting up as it heads toward a May production start.

“The project, based on the stand-up comedy and life experiences of comedy star Koy, is set around a family gathering to celebrate Easter Sunday.

“Carrere will play Tita Theresa, an aunt of Koy’s onscreen character, while Cordero plays Koy’s cousin, Eugene. Ali will play Tony Daytona, a shady local businessman.”

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit hindi na siya makakasama sa cast ng Easter Sunday, ang Hollywood movie na hango sa life story ng Fil-Am comedian na si Jo Koy.
PHOTO/S: Instagram: @jokoy / @reallysharoncuneta
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results