PNP Chief Guillermo Eleazar nagpupuyos sa galit na kinumpronta ang pulis na pumatay sa 52-anyos na babae

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2021
Sa sobrang galit, hindi napigilan ni PNP Chief Guillermo Eleazar (kanan) na sigawan, murahin, pitsarahan, duruin, at isalya sa pader ang killer cop na si Police Master Sergeant Hensie Zinampan (kaliwa) nang magharap sila ngayong araw, June 1.
PHOTO/S: Screen grab from Bea Bernardo Facebook

Sumiklab nang husto ang galit ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar nang maganap ang paghaharap nila ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan ngayong Martes, June 1.

Hindi napigilan ng bagong talagang PNP chief ang sariling sumbatan ang killer cop na nakadestino sa Police Security Protection Group sa Camp Crame, Quezon City.

Si Zinampan ang pulis na walang awang sumabunot, bumaril, at pumatay sa walang kalaban-labang si Lilybeth Valdez ng Barangay Greater Fairview, Quezon City kahapon, May 31, 2021.

Magkapitbahay sina Zinampan at Valdez.

Katarungan para kay Valdez ang panawagan ng sambayanang Pilipino na kinokondena ang brutal na pamamaslang ni Zinampan.

Itinanggi pa noong una ni Zinampan ang krimen, pero kitang-kita sa viral video ang kasalanang ginawa niya.

Tila eksena sa isang madramang pelikula ang pagkumpronta ni Eleazar kay Zinampan tungkol sa pagpatay nito sa biktima.

Sa sobrang galit, hindi napigilan ni Eleazar na sigawan, murahin, pitsarahan, duruin, at isalya sa pader ang killer cop na biglang nagmistulang isang maamong tupa.

Continue reading below ↓

“Tumingin ka nga sa akin! Anong iniisip mo nang ginawa mo ‘yon?!! Sumagot ka!!!

"May pamilya ka ba? May asawa ka? May anak ka? Anong tingin mo sa ibang tao, ha?

“Tumingin ka nga sa akin, anong tingin mo? Anong tingin mo para gawin ‘yon?

"T*ng*na ka, hirap na hirap tayo..." sunod-sunod na sumbat ni Eleazar kay Zinampan.

Guillermo Eleazar with killer cop Hensie Zinampan

Continue reading below ↓

Samantala, si Eleazar ang humingi ng tawad sa publiko para sa karumal-dumal na krimeng ginawa ni Zinampan,

Inilahad niya ito sa press conference na nangyari nitong Martes ng umaga, June 1.

“Kami po ay nakikiramay sa pamilya ng victim at ipinararating ang taos-pusong paghingi ng tawad sa lahat, pati na rin sa ating kababayan, sa ginawang karumal-dumal na ginawa ng pulis na ito.

“Hinaharap namin, haharapin namin at ipapakita namin sa inyo, hindi kami papatinag sa aming commitment na ayusin at linisin ang aming hanay sa abot ng aming makakaya.

“Rest assured, na ang pulis ninyo ay nandito, gumagawa nang tama except from few bad eggs na kinokondena natin,” bahagi ng pahayag ni Eleazar sa naganap na press conference.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa sobrang galit, hindi napigilan ni PNP Chief Guillermo Eleazar (kanan) na sigawan, murahin, pitsarahan, duruin, at isalya sa pader ang killer cop na si Police Master Sergeant Hensie Zinampan (kaliwa) nang magharap sila ngayong araw, June 1.
PHOTO/S: Screen grab from Bea Bernardo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results