Miss Q&A 2018 Juliana Parizcova Segovia, nahampas ng trophy sa ulo nang manalo sa gay beauty contest

by Jojo Gabinete
Jun 2, 2021
Naniniwala si Juliana Parizcova Segovia sa kahalagahan ng self-love para mabasawan ang pambu-bully sa kanya ng ibang tao. At sa pagdiriwang ng pride month, nag-post siya sa IG ng rainbow flag kalakip ng caption na, "Whether I WAS BORN THIS WAY, or MADE THIS WAY, or CHOSE THIS WAY, the important fact is that I AM THIS WAY, and I'm not changing for you. DEAL WITH IT."
PHOTO/S: @juliana_parizcova Instagram
ILLUSTRATION: @

Masayahin ang imahe sa publiko ng It’s Showtime Miss Q&A 2018 grand champion na si Juliana Parizcova Segovia, pero malungkot ang kuwento ng kanyang buhay.

Tyrone James Ortega ang tunay na pangalan ni Juliana, na biktima ng mga bully o mapang-api kahit noong ipinagbubuntis pa lamang siya ng kanyang ina.

Pero hindi ito naging dahilan para manghina ang loob niya.

Kuwento ni Juliana: "Sa mga nakakaalam ng istorya ng buhay ko, nasa sinapupunan pa lang ako, binu-bully na talaga ako. Totoo ‘yan.

"Nung nabuntis ang nanay ko, talagang ayaw ng family ng nanay ko na magbuntis siya nang ganoon kaaga. Parang nag-try na ilaglag [ako] and everything.

"Pero siyempre, makapit ako, palaban, kaya nailabas pa."

Biktima pa rin daw siya ng bullying nang lumaki at mag-umpisa nang sumali sa gay beauty contests sa mga barangay.

Lahad pa ni Juliana, "Hanggang paglabas, hanggang sa lumalaki ako, lahat ‘yan na-experience ko, lalung-lalo na nung nagsisimula na akong sumali sa Miss Gay.

Continue reading below ↓

"Nang magsimula akong mag-contest sa mga barangay at ang kalaban ko, e, talagang totoong mga baklang magaganda, malalambot, mukhang babae, dun talaga ako naka-experience ng bullying."

Minsan ay pisikal pa raw siyang sinaktan ng taong nang-aapi sa kanya.

Paliwanag ni Julia: "Yung experience na biglang may mananakit sa ’yo nang walang dahilan, totoo po na nangyayari.

"Kasi kapag ako ang nananalo sa isang barangay contest, hinahampas ako ng trophy sa ulo.

"Parang hindi nila matanggap na ako yung title [winner]. So ang ginagawa ko, inaalayan ko sila ng bouquet of flowers. 'O, iyo na lang ‘yan para may maiuwi ka.'"

ON SELF-LOVE

Malaking tulong daw ang pagsali ni Juliana sa Miss Q&A contest ng It’s Showtime dahil nabawasan ang mga pang-aapi sa kanya buhat nang manalo siya sa sikat na segment na iyon ng Kapamilya noontime show.

Sabi ni Juliana: "Hindi ko masasabi na totally wala na. Hanggang ngayon, meron pa rin naman nambu-bully.

Continue reading below ↓

"Pero nabawasan talaga simula nung ako mismo, kailangan kong maniwala sa sarili ko na maganda ako.

"Kasi kapag hindi ako naniwala sa sarili ko na maganda ako, yun din ang makikita sa akin ng mga tao."

Bahagi si Juliana ng Gluta, ang upcoming drama comedy movie ng Viva Films na pinagbibidahan ni Ella Cruz.

Sila ay gumaganap na magtiyuhin na may lahing Aeta, at kapwang nangangarap sumali sa isang beauty pageant.

Si Juliana ang magpamahal na tiyo na si Tiyo Goliath o Tiyong Go.

Nakaka-relate ang gay comedian sa istorya ng pelikula bilang produkto siya ng gay beauty pageant.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naniniwala si Juliana Parizcova Segovia sa kahalagahan ng self-love para mabasawan ang pambu-bully sa kanya ng ibang tao. At sa pagdiriwang ng pride month, nag-post siya sa IG ng rainbow flag kalakip ng caption na, "Whether I WAS BORN THIS WAY, or MADE THIS WAY, or CHOSE THIS WAY, the important fact is that I AM THIS WAY, and I'm not changing for you. DEAL WITH IT."
PHOTO/S: @juliana_parizcova Instagram
ILLUSTRATION: @
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results