Ella Cruz tanggap ang kanyang insecurities: "Ang liit ko. Marami ang mas maganda sa akin."

by Jojo Gabinete
Jun 2, 2021
Ella Cruz: "Siguro hanggang ngayon, meron pa rin akong insecurities. Pero minsan kailangan mong ma-realize na meron tayong kanya-kanyang kagandahan and in-accept ko nang merong mas magaganda sa akin."
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram / Viva Films

Isang Aeta na umaapaw ang kumpiyansa sa sarili at nangangarap maging beauty queen ang role ni Ella Cruz sa Gluta.

Ang Gluta ay ang pelikula ng Viva Films na nakatakda sa July 2 ang streaming sa VivaMax, ktx.ph, at iWantTFC.

Bago nagsimula ang digital conference para sa Gluta, ipinakita muna ang official trailer nito na hindi pa napapanood ng publiko.

Si Giselle Sanchez ang moderator ng digicon ng Gluta ngayong Miyerkules, June 2. Napaiyak siya matapos mapanood ang trailer ng pelikula na punumpuno ng puso.

Muli ring nagpamalas ng kanyang acting ability sa Ella sa pelikula.

Sinabi ni Ella na hindi lamang para sa mga Aeta o dark-skinned ang mensahe na ihahatid ng kuwento ng Gluta dahil para raw ito sa lahat ng mga taong dumaranas ng anxiety at insecurities.

“Makakatulong ang movie para ipaabot sa lahat na meron tayong ganda, skills at talent,” sabi ni Ella.

ELLA'S INSECURITIES

Hindi nagdalawang-isip ang aktres na sabihin ang insecurities niya nila bilang tao at artista.

Continue reading below ↓

“Una sa lahat, ang liit ko. Marami ang mas maganda sa akin, tapos medyo hindi ako makinis noong nagsisimula ako [sa showbiz].

"Pero growing up, siguro hanggang ngayon, meron pa rin akong insecurities.

“Pero minsan kailangan mong ma-realize na meron tayong kanya-kanyang kagandahan and in-accept ko nang merong mas magaganda sa akin.

“In-accept ko na siguro mas maganda siya pero siguro mas magaling akong sumayaw.

“Lagi kong sinasabi, I don’t have much magazine covers. Siguro, hindi pang-magazine ang mukha ko,” pagtatapat ni Ella.

Pero hindi raw niya hinayaang matalo siya ng kanyang insecurities.

“Sabi ko, okey lang, sige. Pero I have more projects na iba naman na blessings like movies na napu-fulfill ko and I have acting awards.

“Yun talaga ang pinaka-nagsabi sa akin na I’m doing fine. I’m doing great, I’m doing good in this industry.

"Hindi man ako palaging nasa cover ng famous magazines na ‘yan, at least I have an award confirming that I’m doing great.”

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ng direktor ng Gluta na si Darryl Yap ang desisyon nila ng mga producer ng Viva Films na ipagkatiwala kay Ella ang challenging role ni Angel, ang lead character ng Gluta.

Saad niya, “Ella more than the skin is very similar to the hearts of our Aeta friends. Ella landed the role because Ella is very exceptional.

“It was very hard for us to have a lead in this movie. Viva and I went through a lot before pursuing this project.

"But let me assure that the representation is actually very careful, sensitive, to a point that I have consultants, I have organizations backing the film."

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz: "Siguro hanggang ngayon, meron pa rin akong insecurities. Pero minsan kailangan mong ma-realize na meron tayong kanya-kanyang kagandahan and in-accept ko nang merong mas magaganda sa akin."
PHOTO/S: @ellacruz on Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results