Peter Rosalita, 10, pinamangha ang judges ng America's Got Talent

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2021
Kitang-kita sa mukha ng America's Got Talent judges na sina (inset, clockwise) Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara, at Howie Mendel ang pagkamangha sa ipinamalas na galing young Filipino singer mula sa Abu Dhabi na si Peter Rosalita.
PHOTO/S: Screen grab from America's Got Talent YouTube

Standing ovation ang tinanggap ni Peter Rosalita mula sa America’s Got Talent judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara, at Howie Mandel dahil sa kanyang nakakamanghang audition para sa Season 16 ng sikat na talent show competition sa U.S.

Sampung taon lamang si Peter at isinilang siya sa Abu Dhabi, UAE. Pero ipinagmalaki niya ang pagiging Filipino citizen sa interbyu sa kanya ng mga hurado.

Bibili siya ng Nintendo Switch at laptop para sa kanyang online schooling ang sagot ni Peter nang tanungin tungkol sa gagawin niya sa premyong matatanggap kung sakaling siya ang manalo sa America’s Got Talent.

Ang "All By Myself" ang audition piece ni Peter na nagbigay ng "goosebumps" kay Simon dahil sa kanyang mahusay na pagkanta at pagbirit.

“That was an incredible audition. There were parts during the audition which literally gave me goosebumps.

"You have an amazing voice, an amazing personality, and amazing energy. Everyone is going to fall in love with you after this audition," reaksiyon ni Simon tungkol sa performance ni Peter.

Continue reading below ↓

Hula ni Howie, malayo ang mararating ni Peter.

Nagsalita naman ni Heidi na nag-alala itong baka may mabasag na salamin dahil sa mataas na boses ng young Filipino singer. Sinabi rin niyang "Mariah [Carey] better watch out."

Ayon kay Peter, kabadong-kabado siya sa pagsali niya sa America’s Got Talent. Pero hindi ito nahalata sa kanyang performance na binigyan din ng standing ovation ng studio audience.

America's Got Talent hosts standing ovation for Peter Rosalita

Continue reading below ↓

America's Got Talent judges (from left) Howie Mendel, Heidi Klum, Sofia Vergara, and Simon Cowell

Ang audition ni Peter ang isa sa mga unang ipinakita sa Season 16 premiere ng America’s Got Talent.

Pinag-uusapan ito ngayon dahil sa kanyang ipinamalas na talento sa pagkanta, na magpapaalaala sa husay sa pagbirit ni Charice Pempengco noong contestant pa lamang ito sa mga singing contest.

Ang video ng audition ni Peter ang Most Popular Video ngayon sa Official Facebook page ng America’s Got Talent. Mayroon na itong halos kalahating milyong likes, 55,000 shares, at 9,900 comments.

“Happiness comes in many forms and I am so blessed to have found it, doing what I love the most—singing.

"I have America’s Got Talent to thank for making a small boy’s dream of having the world to hear his big voice come true.

"Much love to all who support and believe in me," pahayag ni Peter sa kanyang Facebook post tungkol sa pambihira niyang karanasan sa America’s Got Talent.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitang-kita sa mukha ng America's Got Talent judges na sina (inset, clockwise) Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara, at Howie Mendel ang pagkamangha sa ipinamalas na galing young Filipino singer mula sa Abu Dhabi na si Peter Rosalita.
PHOTO/S: Screen grab from America's Got Talent YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results