Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto, posible kayang magkaroon ng Part 2 ang relasyon?

by Jojo Gabinete
Jun 4, 2021
Mark Anthony Fernandez on ex-girlfriend Claudine Barretto: “May halong 'miss' yung tawagan namin ni Claudine. Close pa rin kami, walang nabago sa closeness namin.”
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Hindi isinasara ni Mark Anthony Fernandez na magkaroon ng Part 2 ang relasyon nila ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto.

Ayon sa aktor, pareho silang single sa kasalukuyan at hanggang ngayon, hindi nawawala ang kanilang closeness.

Sina Mark at Claudine ang mga bida sa Deception, ang kanilang reunion movie na ipo-produce ng Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio.

Opisyal na inanunsiyo ni Atty. Topacio sa isang virtual media conference kahapon, June 3, ang muling pagtatambal nina Claudine at Mark sa pelikulang mula sa panulat ni Easy Ferrer at direksiyon ni Joel Lamangan.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, nakatakda sa June 11 ang umpisa ng lock-in shooting ng Deception sa Angeles, Pampanga.

Ikinuwento ni Mark na madalas na ang pag-uusap nila ni Claudine sa telepono, pero hindi pa sila nagkikita nang personal kaya sabik na sabik na siya sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang shooting.

“Hindi pa kami nagkikita nang personal. Hanggang sa pag-uusap lang kami sa cell phone. Nagtatawagan na kami palagi.

Continue reading below ↓

“May halong 'miss' yung tawagan namin ni Claudine. Close pa rin kami, walang nabago sa closeness namin,” pahayag ni Mark sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files ngayong Biyernes ng hapon, June 4.

Dalawang taon na tumagal ang passionate love affair nina Mark at Claudine noong mga teenager pa sila.

Ayon kay Mark, hindi niya makakalimutan kailanman ang pagsasama nila noon.

“Mahal ko siya bilang kaibigan at saka hindi ko makakalimutan ang mga alaala naming magaganda noong kami pa ang magkarelasyon.

“Saka maganda siya at single din ako ngayon, but as it is, ngayon pa lang, close na kami."

Pareho nang hiwalay sa kani-kanilang mga asawa sina Mark at Claudine.

Patuloy ni Mark, “For the record, hindi nabawasan yung closeness namin as friends.

“Hindi naman tayo fortune teller, hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari bukas. Abangan natin ang susunod na kabanata.

"Basta ang alam ko, love is lovelier and sweeter the second time around," makahulugang pahiwatig niya.

Continue reading below ↓

Halos dalawang linggong magsasama sina Mark at Claudine sa lock-in shooting ng Deception.

Bilang paghahanda sa kanilang pagtatagpo, todo-ensayo si Mark at ibinida rin niya na fully vaccinated na siya ng COVID-19 vaccine dahil naturukan na siya ng second dose ng Sinovac vaccine kahapon, June 3.

“Todo-ensayo ako at naturukan na rin ako ng second dose ng Sinovac kaya excited na ako sa shooting namin ni Claudine.

“Matagal na naming plano ni Claudine na gumawa ng pelikula, pero wala pa kaming right script nung time na ‘yon.

“May gagawin kami dapat na pelikula noon pero nagkaroon ng misunderstanding hanggang tumagal nang tumagal.

"Buti ngayon, okay na ang lahat. At hopefully, before Christmas, maipalabas ang movie namin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on ex-girlfriend Claudine Barretto: “May halong 'miss' yung tawagan namin ni Claudine. Close pa rin kami, walang nabago sa closeness namin.”
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results