Aftermath ng viral fried towel: memes about sad Jollibee, may fake McDo post pa!

by Jojo Gabinete
Jun 4, 2021
Tila nag-iba na ang ihip ng hangin dahil pagkatapos batikusin dahil sa fried towel, nakikisimpatiya na ngayon ang mga netizens sa Jollibee kaugnay ng isolated incident na nag-viral.
PHOTO/S: Facebook

Wala nang dahilan para maging malungkot ang Jollibee mascot sa mga memes na ginawa ng mga Pinoy na may malikhaing isip.

Nagbago kasi ang ihip ng hangin.

Nasangkot sa kontrobersiya ang sikat na Filipino multinational chain of fast-food restaurants dahil sa karanasan ni Alique Perez, na nagpa-deliver ng ChickenJoy mula sa branch ng Jollibee sa Bonifacio Stopover sa Bonifacio Global City noong June 1, 2021.

Continue reading below ↓

Pero imbes na fried chicken ay fried towel ang natanggap niya.

Ginamit ni Perez ang social media para iparating sa mga kinauukulan ang nangyari.

Umani ng mga batikos ang Jollibee dahil sa insidente. Marami ang nag-share ng post ni Perez.

Pero nang lumaon ay nag-iba ang sentimiyento ng ibang netizens.

Noong June 2, naglabas ng opisyal na pahayag ang Jollibee at inaming kagagawan ito ng isang personnel. Pinasara rin ang branch sa loob ng tatlong araw, simula noong June 3.

June 2 rin nagpa-interbyu rin si Perez sa Wanted sa Radyo show ni Raffy Tulfo sa Radyo5 92.3.

At makikita sa Facebook page ni Perez na kinukuwestiyon ang paglapit at pagsusumbong niya kay Raffy.

Lumitaw naman ngayong araw, June 4, sa social media ang mga memes na dinidepensahan ang Jollibee. Isolated case daw ang insidente kaya hindi dapat mag-generalize.

May ilan namang nagsasabi na posibleng bahagi ang mga memes na ito ng publicity stunt para matabunan ang kontrobersiya.

Continue reading below ↓

FAKE MCDO ADS

Nadamay pati ang McDonald’s, ang karibal ng Jollibee, dahil sa fake viral photo na may caption na, "Our competitor threw in the towel."


Mariin itong itinanggi ng management ng restaurant chain na nagmula sa Amerika.

“McDonald’s Philippines did not and would not produce or release any disparaging material against any brand.

Continue reading below ↓

"To reiterate, this piece of content was not made by McDonald’s Philippines and was never posted on any of the brand’s digital assets," ang pagtutuwid at paglilinaw ni McDonald’s Philippines Public Relations and Communications Senior Manager Adi Timbol-Hernandez tungkol sa fake viral photo.

Pinuri naman ng netizens ang agaw-pansin na diskarte at marketing strategy ng Tom Sawyer’s Old Fashioned Krispy Chicken na nagpakita ng suporta sa Jollibee pero hindi binanggit ang pangalan ng competitor.

Nakasaad dito: “While we at Tom Sawyer's love celebrations, we do not wish to celebrate over someone else's misery.

“So, in bee-half of all fellow lovers and purveyors of great fried chicken, Tom Sawyer’s expresses its support to our esteemed competitor’s quest to find the truth behind the current issue.”

Naglabas din ang Tom Sawyer’s ng litrato ng fried chicken na may witty caption na “Fowl Play must never bee celebrated,” na umani ng paghanga mula sa netizens na nakatutok sa fried towel controversy.

Continue reading below ↓


HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila nag-iba na ang ihip ng hangin dahil pagkatapos batikusin dahil sa fried towel, nakikisimpatiya na ngayon ang mga netizens sa Jollibee kaugnay ng isolated incident na nag-viral.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results