McCoy de Leon, saludo sa husay ni Herbert Bautista sa comedy

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2021
McCoy de Leon (right) on Puto co-star Herbert Bautista (left): “Iba talaga si Tatay Herbert dahil sa atake niya sa mga linya na pang-comedy."

Magbabalik si Puto, ang karakter na pinasikat ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista sa 1987 Viva Films movie na Puto.

Pero sa halip na pelikula, isa na itong fantasy comedy series ngayon na mapapanood sa TV5 simula sa ikatlong linggo ng June 2021.

Herbert Bautista
McCoy de Leon

Muling gagampanan ni Herbert ang papel ni Puto pero single father na siya, at si McCoy de Leon ang gaganap bilang anak niya, o anak ng puto.

Continue reading below ↓

Mapalad ang pakiramdam ni McCoy dahil nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si Herbert sa television remake ng 1987 blockbuster comedy movie, at ito ang ibinahagi niya sa exclusive conversation sa kanya ng Cabinet Files.

Lahad niya, “I’m very lucky po na maging tatay si Tatay Herbert sa isang project, ang Puto na talagang tumatak noon sa mga Pilipino.

“Iba talaga si Tatay Herbert dahil sa atake niya sa mga linya na pang-comedy.

"Saka si Tatay Herbert ang tipo ng tao na igagalang kaya nakamamangha lang na kahit matagal na siya sa industriya, mabait talaga ang pagkakakilala sa kanya.

“Saka pinayuhan din niya ako na bukod sa paghusayin ang pag-arte, dapat na maging gentleman ako sa lahat ng mga pagkakataon.”

Tumagal nang isang buwan ang lock-in taping ni McCoy para sa Puto kaya nakilala niya nang husto si Herbert at naging pamilya ang trato nila sa isa’t isa ng kanyang mga co-star at production staff.

Continue reading below ↓

“Grateful po ako sa mga bumubuo ng proyekto dahil sila ang pamilya ko sa aming lock-in taping. Thankful ako sa kanila, sa TV5 at sa Viva Television dahil sa pag-aalaga nila sa akin.

“Hindi ko makakalimutan ang aming bonding sa loob ng isang buwan na pagsasama namin.

"Halos hindi ko na napansin ang mabilis na takbo ng mga araw dahil sa magandang samahan namin.

“Marami ang mga challenge sa lock-in taping dahil sa pandemya, kaya ang pag-iingat ang pangunahin na iniisip ng lahat.

“Minsan bigla mo na lang mami-miss iyong mga tao na mahal mo, pero thankful ako dahil may trabaho po kami para makatulong sa bawat pamilya namin,” dagdag pa ni McCoy tungkol sa mga hindi nito makalilimutang karanasan sa lock-in taping ng Puto, at sa unang beses na pagsasama nila ni Herbert sa isang television series.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon (right) on Puto co-star Herbert Bautista (left): “Iba talaga si Tatay Herbert dahil sa atake niya sa mga linya na pang-comedy."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results