Has Julia Barretto resolved past issues with dad Dennis Padilla?

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2021
Julia Barretto to dad Dennis Padilla during their one-on-one chat in May 2021 for Julia's YouTube vlog: “I didn’t ever give up on our relationship. Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now."
PHOTO/S: Julia Barretto YouTube

Noong July 2014, labis na ikinasama ng loob ni Dennis Padilla ang plano ng kanyang anak na si Julia Barretto na huwag nang gamitin ang totoong apelyido niya na Baldivia.

Masyadong dinamdam ni Dennis ang isyu at ito ang kanyang madalas na isumbat kay Julia.

Sa heart-to-heart talk ng mag-ama para sa official YouTube vlog ni Julia noong May 2021, muling nagsalita si Dennis tungkol sa sakit ng kalooban na nararamdaman niya sa desisyon noon ng kanyang anak.

“It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit iyon.

"Kasi kumbaga, parang... ito ba ang gusto niyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, bakit tatanggalin niyo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin iyon,” hinaing ni Dennis.

Ipinaliwanag ni Julia sa kanyang ama na iwinawasto lamang niya ang mga pagkakamali dahil null and void ang kasal ng kanyang mga magulang.

Pinakasalan ni Dennis si Marjorie Barretto noong November 14, 1997, walong buwan matapos isilang si Julia noong March 10, 1997.

Continue reading below ↓

Nagpakasal si Dennis kay Monina Gatus noong 1994 bago niya pinakasalan si Marjorie kaya bigamous marriage ito, ayon kay Atty. Lorna Kapunan na legal counsel ni Julia noong panahong nagbabalak itong gawing Barretto at hindi Baldivia ang kanyang family name.

Pitong taon na ang nakararaan mula noong mangyari ang insidente na hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin ni Dennis, pero kung nag-imbestiga itong mabuti, malalaman niyang hindi itinuloy ni Julia ang planong pagpalit ng apelyido.

For the record, Baldivia pa rin ang family name ni Julia at ito ang kanyang ginagamit sa lahat ng mga kontrata sa pelikula, product endorsement at mga personal business niya.

Wala rin dapat ipagtampo si Dennis sa kawalan nila ngayon ng komunikasyon ni Julia dahil matagal na ito sa lock-in taping ng Di Na Muli, ang upcoming drama series ng TV5 na pinagbibidahan nila ni Marco Gumabao.

Marami ang nagtataka at nagugulat tungkol sa muling pagsasalita ni Dennis tungkol kay Julia dahil maganda at maayos ang pag-uusap nila noong nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

Ang heart-to-heart talk nila ng kanyang ama para sa YouTube Channel niya ang isa sa mga ginawa ni Julia bago ito pumasok sa lock-in taping ng Di Na Muli, at nagmarka sa publiko ang pag-ako ni Dennis sa lahat ng mga pagkakamali dahil sa kanyang attitude at temper.

Sa nabanggit na vlog, ipinagtapat ni Julia kay Dennis na hindi niya isinuko ang kanilang relasyon bilang mag-ama, sa kabila ng mga takot na kanyang nararamdaman dahil sa temper ng komedyante.

“I didn’t ever give up on our relationship. I was never, ‘He hurt me. He traumatized me. I’m never gonna try with my relationship with him again.’

“Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now. But I kept trying. That was painful for me.

“I was fighting so hard for our relationship despite all the words thrown at me by my own dad. I understand your frustration.

Continue reading below ↓

“Nobody was talking to you, but you have to look at why aren’t we talking to you. Why were we so scared to talk to you? You have to understand there was so much pain. There was so much fear,” pahayag ni Julia na hinangaan ng publiko dahil sa karunungan at kalawakan ng isip na kanyang ipinamalas sa mga hinaing ni Dennis sa buhay.

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto to dad Dennis Padilla during their one-on-one chat in May 2021 for Julia's YouTube vlog: “I didn’t ever give up on our relationship. Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now."
PHOTO/S: Julia Barretto YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results