Julia Barretto binisita ni Gerald Anderson sa lock-in taping sa Subic

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2021
Tuwang-tuwa sina Gerald Anderson at Julia Barretto kahit sa balcony lang sila nagkita nang bumisita ang huli sa lock-in taping ng dalaga sa Subic, Zambales.
PHOTO/S: Screen Grab from Gerald Anderson 's YouTube channel

Kinilig ang fans nina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil sa pagbisita ng aktor sa lock-in taping ng kanyang girlfriend.

Ang pagkikita ng dalawa ang naging highlight ng YouTube vlog ni Gerald na in-upload ni Gerald noong June 4, at pinamagatang "My First Long Motorcycle Ride."

Mula sa Metro Manila, nag-motor ang aktor papuntang Subic, Zambales, ang location ng taping ni Julia for Di Na Muli, ang TV5 series ng dalaga with Marco Gumabao.

Mistulang eksena sa Romeo and Juliet ang pagkikita nina Gerald at Julia. So near yet so far!

Hindi kasi puwedeng lumabas o tumanggap ng bisita si Julia kaya nag-usap na lamang sila ng kanyang boyfriend sa balcony.

"This is what the virus does. The virus separates people," ang sabi ni Julia kay Gerald na tumatalon-talon habang sinasabi ang, "I love you, baby. Hindi kita abot."

Gerald Anderson

Continue reading below ↓

Nagkita ulit ang dalawa kinabukasan bago bumalik sa Manila si Gerald at ang kanyang tropa.

"Did you throw something?" bungad ni Julia.

Sabi ni Gerald, "Hindi ka sumasagot, e."

Sabi pa ng tuwang-tuwa na si Julia, "Come."

Ani Gerald, "Ha? Hindi ako makapunta sa iyo, e."

Julia Barretto

Continue reading below ↓

Nito lamang March 5, 2021 isinapubliko ni Gerald ang "very happy" relationship nila ni Julia.

Before this, mga fans ang nag-a-upload sa social media ng mga sightings sa dalawa.

Nagkatrabaho ang magkasintahan sa 2019 movie na Between Maybes, kung saan sinasabing nagkalapit ang dalawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuwang-tuwa sina Gerald Anderson at Julia Barretto kahit sa balcony lang sila nagkita nang bumisita ang huli sa lock-in taping ng dalaga sa Subic, Zambales.
PHOTO/S: Screen Grab from Gerald Anderson 's YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results