YouTube vlog ni Julia Barretto with dad Dennis Padilla, nawawala!

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2021
May 2, 2021 nang in-upload ni Julia Barretto (top, L) ang vlog with her dad Dennis Padilla, pero wala na ito ngayon sa Uploads niya "1 month ago."
PHOTO/S: Screen Grab from Julia Barretto's YouTube channe;l

Nawawala sa YouTube Channel ni Julia Barretto ang vlog tungkol sa heart-to-heart nila ng amang si Dennis Padila.

Ini-upload ito ng dalaga sa kanyang channel noong May 2, 2021, bago lumuwas papunta sa lock-in taping ng serye niyang Di Na Muli sa Subic, Zambales

Noong June 2, sa vlog naman ni Ogie Diaz nagpa-interview si Dennis.

Ngayong araw, biglang naglaho ang vlog ni Julia with Dennis.

At ayon sa source ng Cabinet Files, may kinalaman ito sa patuloy na pagsasalita ng comedian tungkol sa naging estranged relationship nila ng anak noon.

Nagkaayos at nagkapaliwanagan na raw kasi ang mag-ama noong nakaraang buwan, pero bakit inungkat pa ulit ang nangyari.

Ayon pa rin sa source ng Cabinet Files, naka-hide ang vlog, hindi dinelete.

JULIA-DENNIS ISSUE

Nag-ugat ito noong July 2014.

Matatandaang labis na ikinasama ng loob ni Dennis ang plano ni Julia na huwag nang gamitin ang Baldivia, ang tunay na apelyido ni Dennis.

Continue reading below ↓

Noong mga panahong iyon ay ilulunsad pa lamang ang dalaga bilang female lead sa TV series ng Mirabella.

Masyadong dinamdam ni Dennis ang isyu, at madalas daw niyang banggitin ito kay Julia.

Sa heart-to-heart talk ng mag-ama, inamin ni Dennis ang naramadamang sakit ng kalooban.

"It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto niyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, bakit tatanggalin niyo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin iyon."

Ipinaliwanag ni Julia ang legal context ng kanyang planong pagpapalit ng pangalan. Null and void kasi ang kasal ng kanyang mga magulang.

Pinakasalan ni Dennis si Marjorie Barretto noong November 14, 1997, walong buwan matapos isilang si Julia noong March 10, 1997. Pero ikinasal ang komedyante kay Monina Gatus noong 1994.

After seven years, it would seem na dinaramdam pa rin ni Dennis ang nangyari base sa naging interview niya with Ogie.

Continue reading below ↓

Pero hindi itinuloy ni Julia ang planong pagpapalit ng apelyido.

For the record, Baldivia pa rin ang family name na gamit niya sa lahat ng mga kontrata sa pelikula, product endorsements, at maging sa personal business niya.

JULIA-DENNIS HEART-TO-HEART TALK

Maganda at maayos ang pag-uusap ng mag-ama.

Inako ni Dennis sa lahat ng mga pagkakamali dahil sa kanyang attitude at temper.

Inamin naman ni Julia kay Dennis na hindi niya isinuko ang kanilang relasyon bilang mag-ama, sa kabila ng takot na kanyang nararamdaman dahil sa temper ng ama.

"I didn’t ever give up on our relationship. I was never, 'He hurt me. He traumatized me. I’m never gonna try with my relationship with him again.'

"Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now. But I kept trying. That was painful for me.

"I was fighting so hard for our relationship despite all the words thrown at me by my own dad."

Continue reading below ↓

Na-bash nang husto noon si Julia dahil lumabas na parang pagtatakwil sa ama ang naging desisyon niya.

Sa pagpapatuloy ni Julia, "I understand your frustration. Nobody was talking to you.

"But you have to look at why aren’t we talking to you. Why were we so scared to talk to you? You have to understand there was so much pain.

"There was so much fear."

Sa pagkaka-hide ng vlog ni Julia, tila hindi pa totally resolved ang isyu ng mag-ama.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May 2, 2021 nang in-upload ni Julia Barretto (top, L) ang vlog with her dad Dennis Padilla, pero wala na ito ngayon sa Uploads niya "1 month ago."
PHOTO/S: Screen Grab from Julia Barretto's YouTube channe;l
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results