John Lloyd Cruz TV comeback, nag-trending

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2021
Maluha-luha si John Lloyd Cruz habang binibigyan ng madamdaming welcome ni Willie Revillame sa live TV coverage ng isang online shop ngayong Linggo, June 6, 2021. Sabi ng premyadong aktor, "Excited to be back!"
PHOTO/S: Screen Grab from GMA-7

Nag-trending ngayong hapon sa Twitter Philippines ang guesting ni John Lloyd Cruz sa television event ng isang popular online shop na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at live na napanood sa GMA-7.

Si Willie Revillame ang host/producer ng show at siya ang responsable sa unang live television appearance ni John Lloyd sa Kapuso Network.

Binigyan ni Willie ng magandang introduction at exposure si John Lloyd na bakas sa mukha at mga kilos ang paninibago sa muling paglabas niya sa telebisyon makalipas ang halos apat na taon.

May mga naging sentimental nang kantahin ni John Lloyd ang "Yakap," ang awiting pinasikat noong 1979 ng Spanish singer na si Junior, dahil bagay na bagay sa comebacking actor ang lyrics na:

Ako ay nagbalik

Sa init ng iyong yakap

Parang ibong sabik sa isang pugad

Nadanas kong lungkot

Nang kita'y aking iwan

Na di pa dinanas ng sinuman

Ako ay nagbalik

At muli kang nasilayan

Continue reading below ↓

Hindi na 'ko muli pang lilisan

Mainit ang pagsalubong ni Willie kay John Lloyd na umaming nanginginig siya sa kanyang paglabas sa telebisyon at malaki ang pasasalamat niya sa host ng Wowowin.

“This is the first time for more than four years.

"Welcome back on TV! Ngayon ka lang nakita.

"Nakikita ka sa social media pero siyempre, iba ang telebisyon.

"Buong mundo, pinapanood ka.

"Lloydie, ano ang nararamdaman mo?” ang sabi ni Willie kay John Lloyd.

Sagot naman ng premyadong aktor, “Nagpapasalamat sa’yo, nandito ako.

"Excited to be back! Kuya Willie, nandito ako dahil sa’yo, thank you!”

Naging madamdamin ang mga sumunod na eksena dahil napansin na pinigilan ni John Lloyd na mapaluha habang pinapakinggan ang mga pahayag ni Willie tungkol sa kanyang pasya na balikan ang propesyon na pansamantala niyang tinalikuran.

“Pinagdaanan ko din 'yan,” ang sabi ni Willie.

“Maraming tao ang tumulong sa akin pero ang importante, Lloydie, nakausap kita.

Continue reading below ↓

"Nagkausap tayong dalawa, napakaganda ng puso mo, napakaganda ng pagkatao mo.

“Mahal na mahal mo si Elias, mahal na mahal mo iyong anak mo. Nami-miss ka naming lahat.

“Ang galing mo! Fan mo ako, fan mo kaming lahat dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista!

“Sa totoo lang, lahat ng GMA artists, gusto kang makasama sa isang pelikula.

“Lloydie, iyong sumuporta sa’yo na sambayanang Pilipino, I think sila ang dapat mong pasalamatan kaya ka nandito.

"Nadidinig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa’yo ng tao.

"Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula at alam ko dito tayo magtatapos din.

"Welcome back, John Lloyd Cruz!!!”

Hindi nakalimutan ni Willie na banggitin ang plano nila ni John Lloyd na magsama sa isang programa ng GMA-7 dahil muli niyang ikinuwento sa viewers ang kanilang balak.

“Abangan n’yo ho, abangan n’yo, magsasama kami ni Lloydie sa pagbibigay ng saya sa inyo, sa primetime show.

Continue reading below ↓

"Abangan n’yo dito sa GMA-7!”

Sa huli, tinanong ni Willie kung handa na ba si John Lloyd na umibig muli, na sinagot ng aktor ng, “Handang-handa na!”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maluha-luha si John Lloyd Cruz habang binibigyan ng madamdaming welcome ni Willie Revillame sa live TV coverage ng isang online shop ngayong Linggo, June 6, 2021. Sabi ng premyadong aktor, "Excited to be back!"
PHOTO/S: Screen Grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results