Ang panig ni Kagawad Ronaldo Ortiz tungkol sa parking issue with Kim Rodriguez

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2021
Kim Rodriguez (left) at Kagawad Ronnie Ortiz (right) ng Brgy. Concepcion Dos, Marikina, nagkaayos din sa parking issue matapos nilang humarap sa barangay conciliation noong June 5, 2021.

Cyberlibel ang balak sanang isampa ni Kagawad Ronaldo Ortiz ng Barangay Concepcion Dos, Marikina City laban sa aktres na si Kim Rodriguez.

Ito ay kaugnay sa mahabang Facebook post ng aktres tungkol sa sigalot na nangyari noong Biyernes ng gabi, June 4, 2021 dahil sa parking.

Pero nagharap at nagkausap na sila kahapon, June 5, sa barangay hall kaya hindi na niya itutuloy ang kanyang reklamo laban sa aktres.

Nag-umpisa ang isyu sa sasakyan ni Kim na nakaparada sa harap ng driveway ng tahanan ni Ortiz na kapitbahay niya.

Ang kanyang Facebook page ang ginamit ni Kim sa paglalahad tungkol sa diumano’y harassment na tinanggap niya mula kay Ortiz.

Bahagi ng kuwneto niya, “Di ko talaga tanggap iyong ginawang pangha-harrass sa akin ng barangay kagawad namin na si Kagawad Ronnie Ortiz.

"Di ako makapaniwala na kung sino pa iyong kagawad ng barangay namin, siya pa iyong nang-harass sakin.

“Simpleng parking lang naman problema, lumagpas lang nang konting-konti iyong puwetan ng sasakyan ko sa gate nila, inalis ko naman nang pumasok siya.

Continue reading below ↓

“Tinanggal ko sasakyan ko dahil nakaharang nga ako. Nakiusap ako na i-park ko doon dahil walang parking.

“Sigaw siya nang sigaw na, 'Alisin mo sasakyan mo!'"

Binura na ni Kim ang posts kahapon dahil isa ito sa mga napagkasunduan nila ni Ortiz nang pagharapin sila kahapon ni Barangay Captain Mary Jane Zubiri-Dela Rosa ng Barangay Concepcion Dos.

KAGAWAD ORTIZ AIRS HIS SIDE

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Ortiz ngayong Linggo para sa panig niya tungkol sa mabibigat na paratang ni Kim laban sa kanya.

Hindi itinanggi ni Ortiz na napagtaasan niya ng boses si Kim.

“Siyempre, pagod po tayo galing labas.

"Pag-uwi ko ng bahay, hindi ako makapasok dahil nakaharang sa driveway namin ang sasakyan ng kaibigan ni Miss Kim.

“Noong makapasok ako, sabi ko sa kanya, huwag nang i-park diyan. Medyo pagod ako, nakapagsalita po ako sa kanya na, 'Umalis ka diyan kasi lalabas uli ako.'"

Nakaharang daw ang sasakyan ni Kim, at hindi ito unang beses na nangyari. Bukod dito, hindi raw laumalabas si Kim.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ni kagawad, “Nang sabihin ko po na huwag nang iharang sa driveway ko ang sasakyan, sabi niya, tawagin ko na lang siya, lalabas daw siya.

“Nung paalis na uli ako, tumawag ako ng tanod dahil tinatawag ko siya, hindi siya lumalabas.

"Hindi rin pinansin ang tanod. E, kailangan ko nang mailabas ko iyong kotse ko sa garahe dahil meron din akong rerespondehan na mga kasama namin na nag-aaway,” ang kuwento ni Ortiz tungkol sa pinag-ugatan ng hindi nila pagkakaunawaan ni Kim.

Sinubukan ni Ortiz na tumawag sa isang towing company para maalis ang nakaharang ng sasakyan.

Pero sinabi sa kanya na hanggang alas-diyes lamang ng gabi ang serbisyo nila sa Marikina City kaya hiningi niya ang tulong ng mga barangay tanod.

“Paano po niya sinabi na hina-harrass siya? Ang procedure po, tumawag ako ng tanod para sila ang kumatok sa bahay ni Miss Kim.

“Sinasabi ni Miss Kim na mag-isa lang siya sa bahay pero meron siyang kasama na kasambahay. Silang dalawa ang nandoon, wala po iyong kanyang boyfriend.

Continue reading below ↓

“Nang dumating ang mga tanod, ang tagal naming naghintay sa pagbubukas niya ng pinto.

"Ang purpose ng tanod, ipaalis kay Miss Kim ang sasakyan niya na nakaharang sa driveway ko.”

Binigyang-linaw ni Ortiz ang pahayag ni Kim na takot na takot ito dahil sa mga dumating na pulis na may mga baril at dala-dalang megaphone para lumabas si Kim mula sa kanyang bahay.

“Nung dumating ang mga tanod, na-monitor kami ng mga pulis na marami nang tao. Kumakatok ang tanod sa bahay ni Kim, dumating ang mga pulis.

“Nang mangyari po iyon, ang pulis ang nag-megaphone. Ang sabi ng pulis, ‘Makikisuyo po, pakilabas lang po.'

Ganoon po ang announcement ng mga pulis, pero hindi pa rin siya lumabas. Matagal po sila na naghintay pero later on, lumabas na rin siya.”

Ayon kay Ortiz, dati nang nabigyan ng ticket si Kim dahil sa madalas na pagpaparada nito ng sasakyan sa harap ng driveway niya.

Continue reading below ↓

May isang insidente na mismong ang boyfriend ni Kim ang nakiusap na iparada sa harap ng bahay ni Ortiz ang kanyang sasakyan.

Pumayag si Ortiz dahil sa pangako ng boyfriend ni Kim na gigising ito nang maaga kinabukasan para alisin ang nakaharang na sasakyan, pero hindi ito nangyari dahil hindi magising si Kim at ang boyfriend nito sa kabila ng matagal at paulit-ulit na pagtawag at pagkatok ng naabalang kagawad.

“Kahapon po, magpa-file na sana ako ng cyberlibel sa Camp Crame, biglang tumawag ang mga kagawad at pinapunta ako sa barangay dahil nandoon si Miss Kim,” ang pagpapatuloy ng kuwento ni Ortiz tungkol sa paghaharap nila ni Kim sa barangay hall ng Barangay Concepcion Dos.

“Pumunta naman ako at doon kami nag-dialogue. May kasama siya na isang kapitan at pulis mula sa investigation unit ng Marikina. Inamin po niya na meron siyang mali.

“Ang kasunduan namin sa barangay, tanggalin niya ang kanyang FB post.

Continue reading below ↓

"Hindi ko lang nasabi sa kanya na she’s supposed to apologize to me, public apology kaya nag-post na lang ako sa FB ko na humingi na siya ng pasensiya na tinanggap ko nang maluwag kahit nasira ako at ang buong pamilya ko dahil sa post niya,” lahad ni Ortiz.

Nagpadala rin siya ng mga litrato na magpapatunay na madalas iparada ni Kim ang sasakyan nito na nakaharang sa driveway ng tahanan ng kagawad.

Kim Rodriguez car

Continue reading below ↓

Hinaing ni Ortiz, hinusgahan at tumanggap siya ng mga batikos mula sa mga supporter ng aktres na hindi alam ang mga tunay na nangyari.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Rodriguez (left) at Kagawad Ronnie Ortiz (right) ng Brgy. Concepcion Dos, Marikina, nagkaayos din sa parking issue matapos nilang humarap sa barangay conciliation noong June 5, 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results