Claudine Barretto pinanghinayangan ang mga panahong di siya aktibo sa showbiz

by Jojo Gabinete
Jun 7, 2021
Claudine Barretto on her movie comeback: "First of all, I said yes to this project because it’s different, the story is different. It’s not a Filipino movie that you usually get to watch and also."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naganap ang story conference para sa Deception, ang reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ngayong Lunes ng hapon, June 7.

Sisimulan ang shooting ng Deception sa June 10 sa Angeles City, Pampanga.

Dito pa lamang magkikita nang personal sina Mark at Claudine dahil hanggang pag-uusap lamang sa telepono ang komunikasyon nila.

Dalawampu’t anim na taon na ang nakalilipas mula nang magtambal sina Mark at Claudine sa Mangarap Ka, ang 1995 film ng Star Cinema.

Pero nagkasama sila noong August 2010 sa Claudine, ang dating drama anthology ng aktres sa GMA-7.

Matagal nang balak pagsamahin ang dalawa sa isang movie project pero hindi ito natuloy, kaya excited si Claudine na muling makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend.

Pahayag ng aktres, “First of all, I said yes to this project because it’s different, the story is different. It’s not a Filipino movie that you usually get to watch and also.

"This is directed by Direk Joel Lamangan, he’s very close to my heart. Basta sinabing Joel Lamangan, hindi ako hihindi talaga.

Continue reading below ↓

“And also a reunion for Mark and I. Parang ang tagal-tagal nang pinagpaplanuhan yung reunion na 'to, ngayon lang talaga nangyari.

"Tinanggap ko talaga yung film. At the same time, also to support Borracho Films, which my best friend, si Atty. Ferdinand Topacio, is producer.

“I’m really excited kasi if your read yung storyline namin, ibang-iba talaga siya.”

Hindi nilinlang ni Claudine ang sarili at ang kanyang mga tagahanga nang aminin niya ang panghihinayang sa matagal na panahong hindi siya aktibo sa entertainment industry.

“Actually, it was a very painful decision for me. When Raymart [Santiago, her estranged husband] and I, nung naghiwalay kami, I felt that I really had to step back from show business because kailangan ako ng mga anak ko.

“I didn’t want them to feel na, one day, paggising nila, wala na silang nanay, wala na silang tatay. It was a very painful.

"But, of course, at the end of the day, my priority will always be my children," saad ni Claudine.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on her movie comeback: "First of all, I said yes to this project because it’s different, the story is different. It’s not a Filipino movie that you usually get to watch and also."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results