Pagkanta ni John Lloyd Cruz ng "Yakap" sa kanyang TV comeback, idea ni Willie Revillame

by Jojo Gabinete
Jun 7, 2021
John Lloyd Cruz sings "Yakap" at his TV comeback via a television special hosted by Willie Revillame on GMA-7.
PHOTO/S: GMA Network

Malakas ang last song syndrome (LSS) at epekto sa fans ng pagkanta ni John Lloyd Cruz ng "Yakap" sa television special ng isang online shopping company na naganap kahapon, June 6.

Nagsilbi rin ito bilang grand comeback ng award-winning actor sa show business.

Si Willie Revillame ang host ng TV special at siya ang responsable sa maingay at inabangang pagbabalik ni John Lloyd, na halos apat na taong nagpahinga mula sa pag-arte.

Pinag-usapan ang special appearance ni John Lloyd sa nasabing TV special at paulit-ulit na pinapanood ng kanyang mga tagahanga ang video ng pagkanta niya sa "Yakap."

Ang "Yakap" ay ang 1979 hit song na pinasikat ng Spanish singer na si Junior at ginawan ng cover ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus noong 2013.

Hindi outstanding singer si John Lloyd, pero ramdam na ramdam ng viewers ang taos-pusong pagbigkas niya sa bawat lyrics ng "Yakap" na bumagay sa kanyang desisyong balikan ang propesyong pansamantalang tinalikuran noong 2017.

Continue reading below ↓

"He owned the song" o inari ni John Lloyd ang reaksiyon ng kanyang mga supporter na tuwang-tuwa sa pagbabalik niya sa showbiz.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, idea ni Willie na ipakanta kay John Lloyd ang "Yakap."

Ito ang rebelasyon ng TV host sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Lunes ng gabi, June 7.

“Pinili ko ang 'Yakap' dahil maganda ang kanta at madaling kantahin. Ang tingin ko, gusto siyang mayakap ng mga nagmamahal sa kanya,” paliwanag ni Willie.

Alam na alam ni Willie ang pulso ng masang Pilipino na madalas niyang nakakahalubilo kaya hindi siya sumasablay sa mga desisyon kapag may kinalaman sa kapakanan ng mga tumatangkilik sa kanya at sa Wowowin ang usapin.

Si Rhian Ramos ang co-host ni Willie sa June 7 edition ng Wowowin.

Ikinuwento ni Rhian sa live broadcast ng game show ni Willie na ang "Yakap" ang kinakanta niya habang nasa dressing room siya ng GMA 7 studio bago nagsimula ang kanilang programa.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil sa malakas na epekto sa kanya ng pag-awit ni John Lloyd sa "Yakap."

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz sings "Yakap" at his TV comeback via a television special hosted by Willie Revillame on GMA-7.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results