Claudine Barretto inaming walang closure ang relasyon nila ni Mark Anthony Fernandez

by Jojo Gabinete
Jun 7, 2021
Claudine Barretto on ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez: "Hindi naman talaga mahirap mahalin si Mark. Bilang kaibigan, mahal na mahal ko ‘yan. Mark and I, we haven’t seen each other, but we’re talking on the phone. Marami kaming napag-usapan about our past, about this movie."

“Love is lovelier the second time around.”

Ito ang pahayag ni Mark Anthony Fernandez sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files tungkol sa pagtatambal nila ng ex-girlfriend na si Claudine Barretto sa Deception, ang pelikulang joint venture ng Viva Films at ng Borracho Film Productions Inc.

Sa ginanap na story conference ng Deception nitong Lunes ng hapon, June 7, ang “love is lovelier the second time around” statement ni Mark ang isa sa mga itinanong kay Claudine.

Ayon kay Mark, tumagal ng dalawang taon ang relasyon nila ni Claudine noong mga teenager pa sila.

Rebelasyon naman ng 41-year-old actress, hindi nagkaroon ng closure ang kanilang pagmamahalan ni Mark.

Kuwento ni Claudine, “Narinig ko nga ‘yan. Kagabi tinawagan ko siya.

"Sabi ko, ‘Mark, ano yung sinasabi mo na love is lovelier the second time around?' Wala lang, tawa lang kami nang tawa.

“The good thing about Mark and I, we never really had a problem.

Continue reading below ↓

"So, even if wala kaming closure sa relationship namin before, he has always been the same Mark na minahal nating lahat.

“Alam naman nating lahat na napakabuting tao ni Mark.

"Hindi naman talaga mahirap mahalin si Mark. Bilang kaibigan, mahal na mahal ko ‘yan.

“Mark and I, we haven’t seen each other, but we’re talking on the phone. Marami kaming napag-usapan about our past, about this movie.

“There are a lot of things na napag-usapan namin, napagdaanan namin and na-experience namin na, I think now, talagang perfect timing to do this movie with Mark.

"Kaya siguro hindi natuloy yung mga dating pelikula because itong pelikulang ito ang nararapat para sa amin."

Nang si Mark naman ang tanungin tungkol sa posibilidad na pagbabalikan nila ni Claudine makalipas ang matagal na panahon, dahil pareho na silang mga single ngayon, kinumpirma ni Mark na sinabi nitong "love is lovelier the second time around."

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “Nasabi ko ‘yon. When you come to think of it, maganda talaga siya, malalim siya, makabuluhan, and sa maraming pagkakataon, totoo nga siya.”

Ayon pa kay Mark, may inihahanda silang sorpresa ni Claudine.

“Basta surprise. May mga surprise kami ni Boss Clau sa inyo. May gagawin si Miss Clau na ikakikilig niyo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez: "Hindi naman talaga mahirap mahalin si Mark. Bilang kaibigan, mahal na mahal ko ‘yan. Mark and I, we haven’t seen each other, but we’re talking on the phone. Marami kaming napag-usapan about our past, about this movie."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results