Claudine Barretto ipinagtanggol si Julia kahit masama pa rin ang loob sa pamangkin

by Jojo Gabinete
6 days ago
Claudine Barretto (left) on niece Julia Barretto: "Si Julia, naging nega lang siya, and we just need a real good project for her because alam ko dugong Barretto ‘yan. Magaling ‘yan."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @juliabarretto on Instagram

Hindi itinanggi ni Claudine Barretto na masama ang loob niya sa pamangking si Julia Barretto, pero hindi ito dahilan para hindi ipagtanggol ng 41-year-old actress ang pamangkin sa mga kinasasangkutan nitong kontrobersiya.

“Nega nga ang mga nasusulat para sa pamangkin ko, pero at the end of the day, pamangkin ko pa rin yun, e.

“Hindi ako naniniwala na babagsak. Kasi sa akin, nangyari na ‘yan, ilang beses na, lalo na yung rebellious days ko, pero hindi siya bumagsak.

“Si Julia, naging nega lang siya, and we just need a real good project for her because alam ko dugong Barretto ‘yan. Magaling ‘yan.

"At saka may dugong Dennis Padilla ‘yan, magaling din,” depensa ni Claudine sa kanyang equally controversial niece sa story conference ng pelikulang Deception kahapon, June 7.

Si Julia ay anak ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto.

Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Claudine at Marjorie sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto noong October 2019. Nagkasakitan pa ang dalawa at nadawit din sa gulo si Julia.

Continue reading below ↓

Sa Deception, ang pangalan ni Claudine ay Rosa, isang sikat at multi-awarded actress na matagal nakulong dahil sa pagpatay sa asawa niyang stuntman-turned-actor na gagampanan ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

Nang lumabas si Rose mula sa kulungan, nagkrus ang landas nila ni Ethan na kamukhang-kamukha ng asawang pinatay niya.

Dito iikot ang kuwento ng Deception.

Ikinumpara ni Claudine ang plot ng Deception sa mga nangyari sa kanyang buhay dahil naranasan niyang maging biktima ng mga panlilinlang.

“Yung movie is close to home. It really hits close to home because napagdaanan ko talaga first hand.

“There are some scenes in the movie na totoo talaga na close to home talaga.

"Ang hindi lang nangyari, yung part na murder, pero deception has always been a part of my life.

"It’s always been done to me in so many ways," nakakaintrigang sabi ni Claudine.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) on niece Julia Barretto: "Si Julia, naging nega lang siya, and we just need a real good project for her because alam ko dugong Barretto ‘yan. Magaling ‘yan."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results