Former Star Magic heads Johnny Manahan and Mariole Alberto lilipat na sa GMA Network?

by Jojo Gabinete
5 days ago
Former Star Magic heads Johnny "Mr. M" Manahan and Mariole Alberto are rumored to be transferring to GMA Network. An insider says about the rumored transfer, “Mukha dahil pinag-uusapan na yata dito sa GMA. Hindi ko lang alam kung tuloy na.”
PHOTO/S: Star Magic YouTube / @korinasanchez on Instagram

Maugong ang balitang lilipat na sa GMA Network ang former Star Magic heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.

Si Manahan o Mr. M ay kilala bilang isang direktor at star builder.

Magkatuwang sina Mr. M at Freddie M. Garcia sa pagbuo ng Talent Center, na ngayon ay kilala bilang Star Magic, ang tagapamahala ng talents ng ABS-CBN.

Si Alberto naman ang humalili kay Mr. M bilang head ng Star Magic.

Bagamat nanatiling chairman emeritus ng talent management arm ng ABS-CBN si Mr. M hanggang sa magretiro ito noong September 2020.

Noong September 25, 2020, naman opisyal na inanunsiyo ng ABS-CBN ang pagreretiro ni Alberto bilang head ng Star Magic, kahit December 31, 2020 pa ang huling araw ng serbisyo niya.

Ang Head of Entertainment Production na si Lauren Dyogi ang ipinalit sa kanya.

Nagkaroon ng mga haka-haka tungkol sa diumano’y nalalapit na paglipat nina Mr. M at Alberto sa GMA-7 dahil sa reports ng ilang news websites nitong mga nakaraang araw.

Continue reading below ↓

Malaki ang naging kontribusyon nina Mr. M at Alberto sa Star Magic dahil sila ang magkatulong sa pagpapasikat sa mga big stars ng Kapamilya Network gaya nina Claudine Barretto, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Maja Salvador, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

Ito ang dahilan kaya mainit na balita ang diumano’y paglipat nila sa GMA-7.

Isang GMA-7 insider ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa usap-usapang lilipat na sa Kapuso network ang dating mga tagapamahala ng Star Magic.

Sagot ng insider, “Mukha dahil pinag-uusapan na yata dito sa GMA. Hindi ko lang alam kung tuloy na.”

Iba naman ang sagot ng isang source na hiningan namin ng reaksiyon.

Sinabi nitong may kasiguraduhang magiging bahagi na si Alberto ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso Network.

Ang GMA Artist Center ay kasalukuyang pinamamahalaan ni Gigi Santiago-Lara.

Ang hindi pa malinaw ay kung anong posisyon ang hahawakan ni Mr. M sa napipintong paglipat nito sa GMA-7—kung sa management din ba o bilang direktor o pareho.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa isang Kapuso personality na nakausap ng Cabinet Files, tiyak na magkakaroon ng official announcement ang GMA-7 management kung sakaling matuloy ang negosasyon sa pagitan nina Mr. M at Alberto at ng Kapuso management, kaya mas makabubuting hintayin ng mga interesado sa isyu ang mga susunod na kabanata.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Star Magic heads Johnny "Mr. M" Manahan and Mariole Alberto are rumored to be transferring to GMA Network. An insider says about the rumored transfer, “Mukha dahil pinag-uusapan na yata dito sa GMA. Hindi ko lang alam kung tuloy na.”
PHOTO/S: Star Magic YouTube / @korinasanchez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results