Marc Pingris magpu-focus sa farming pagkatapos magretiro sa PBA

by Jojo Gabinete
5 days ago
Marc Pingris: "Sa ngayon, mag-focus muna ako sa mga business namin at saka sa quality time kasama ang pamilya. Babalik din ako sa basketball, di ko lang alam kung paano sa ngayon."
PHOTO/S: @marcpingris on Instagram

Ang farm nila sa probinisya ang aasikasuhin ng former PBA player na si Marc Pingris matapos ang announcement na magreretiro na siya sa paglalaro ng basketball noong May 26, 2021.

Nakausap ng Cabinet Files si Marc sa pamamagitan ng Facebook messenger, at sinabi niyang sa probinsiya nila sa Pozzorubio, Pangasinan ang kinaroroonan ng kanyang farm na gusto niyang maging fully operational na.

Ikinalungkot ng fans ni Marc ang pagreretiro niya sa basketball sa edad na 39, pero iginalang nila ang pasya ng "Pinoy Sakuragi."

Ang anime na Slam Dunk at ang protagonist nitong si Hanamichi Sakuragi ang mga paborito ng retired PBA player kaya binansagan siyang "Pinoy Sakuragi."

Bago siya nakausap ng Cabinet Files, nag-post si Marc ng saloobin sa mga social media page nito tungkol sa pagtalikod sa sport na naging mabuti sa kanya at nagbigay ng katuparan sa lahat ng mga pangarap niya.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “Matagal ko pinag-isipan. Pinag-pray ko ng mga ilang weeks. Tapos umuwi ako sa amin at umakyat ng bundok.

“Dun mas nakapag-isip pa ko kung ano ba talaga priority ko ngayon sa buhay.

“Sa totoo lang, kaya ko pa. Nasa kondisyon pa ako.

"Yun din ang sabi nila sa akin pero dahil iba na ang sitwasyon ngayon, ito na napagdesisyunan ko."

Patuloy ni Marc, “Kinausap ko family ko, team mates, mga kaibigan muna. Kinausap ko mentors ko, sina Kerby Raymundo at Lakay Danny Ildefonso nagbigay ng advice

“Nagtanong din ako kay Kuya Johnny Abarrientos. Si Capt. Alvin Patrimonio, nagbigay ng insights niya na na-appreciate ko talaga.

“Pati si Ate Cindy [misis ni Patrimonio] nag-advice din kay Danica. Sina PJ Simon at Jeff Cariaso, mga nakausap ko din."

Pasasalamat pa niya, “Sa lahat ng mga tumawag, nag-text, nag-message, nag-post, gumawa ng fan art, gumawa ng video, maraming-maraming salamat po!!!

“Sa fans ng Purefoods, ng PBA…di mabubuo ang PBA kung di dahil sa inyo.

Continue reading below ↓

“Sa ngayon, mag-focus muna ako sa mga business namin at saka sa quality time kasama ang pamilya.

“Babalik din ako sa basketball, di ko lang alam kung paano sa ngayon. Mahal ko kayong lahat mga Kabsat!!!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marc Pingris: "Sa ngayon, mag-focus muna ako sa mga business namin at saka sa quality time kasama ang pamilya. Babalik din ako sa basketball, di ko lang alam kung paano sa ngayon."
PHOTO/S: @marcpingris on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results