Beauty Gonzalez opisyal na ang pagiging Kapuso

by Jojo Gabinete
Jun 11, 2021
Beauty Gonzalez on her transfer to GMA-7: "I realize na it’s time for a change and I need this change. I’m so lucky that they gave me this opportunity. And I’m just so happy to be here because it came at the right time, it was meant to be."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram

Opisyal na ang pagiging Kapuso ni Beauty Gonzalez.

Naganap ang virtual contract signing niya sa GMA-7 na sinundan ng isang Zoom press conference ngayong Biyernes ng hapon, June 11.

“Finally, puwede ko nang sabihin na Kapuso na ako ngayon.

"Dati, nag-guest ako, nangapit-bahay lang naman ako, di ba, love thy neighbor?” pahayag ni Beauty, na minsan nang napanood bilang celebrity player sa anniversary episode ng GMA-7 game show na Celebrity Bluff noong June 2018.

Sabi pa ng aktres, “Happy ako na that they love me, so thank you much for giving me this chance to work with them, and I’m so happy.

"At the same time, I’m nervous also, kasi new surroundings, new group of people, but change is good.

“With all the changes na nangyayari sa buhay natin ngayon, sa mundo natin ngayon, at pati na rin sa showbiz, nakikita naman na ang daming artista na nakikipag-collaborate sa ibang istasyon.

Continue reading below ↓

"Pati na rin yung mga workers, nakikipag-collaborate sila.

“Thankful ako dahil ang dami naman nating naririnig na magandang balita sa GMA. Ang dami nilang magandang shows, ang dami nilang magandang... how they treat their people also.

"And I know that they will take good care of me, and I’m so excited na they’re willing to collaborate with me."


Continue reading below ↓

Beauty Gonzalez with GMA executives and her manager, Arnold Vegafria

Nag-umpisa sa ABS-CBN ang showbiz career ni Beauty nang sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008, kaya hindi naging madali ang magpasyang lumipat sa rival television station ng dating home studio niya.

Pero nangibabaw ang kanyang paniniwala na nagbabago ang lahat.

“Naging mahirap sa akin. Ayokong maging plastic na sabihin sa inyo na napakadali para sa akin.

“It is hard and I had sleepless nights, thinking about it really hard.

"But with all the changes that’s happening right now, lahat naman ng mga nangyayari ngayon, ang dami nang changes.

"So, I realize na it’s time for a change and I need this change. I’m so lucky that they gave me this opportunity.

"And I’m just so happy to be here because it came at the right time, it was meant to be.

"And just like what I said, they will expect a newer and improved version of me.”

Continue reading below ↓

Tumanggi si Beauty na magkuwento tungkol sa unang project na gagawin niya sa Kapuso Network, pero nagbigay siya ng hint na mga bata ang kanyang mga makakatrabaho.

“Hindi pa puwedeng sabihin, nagka-cast pa lang sila, but sobrang excited ako sa show na 'to kasi sobrang ibang-iba siya sa ginagawa ko before.

“Konting clue, kung dati, lahat ng mga kasama ko medyo may mga edad na, ngayon naman bagets.

"I’m really excited to work with young ones, new ones, kasi that’s the only way you could learn also.”

Tanggap ni Beauty na hindi mawawala ang mga batikos dahil sa paglipat niya sa GMA 7 kaya may mensahe siya para sa kanyang detractors.

Aniya, "I love you all. Thank you and come watch me on GMA.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on her transfer to GMA-7: "I realize na it’s time for a change and I need this change. I’m so lucky that they gave me this opportunity. And I’m just so happy to be here because it came at the right time, it was meant to be."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results